Chapter 25: Breathe Some Air

872 24 2
                                    

What did he just say? He wants me? Oh, sure. I mean, oh c’mon! He can’t just come and flirt with me. Hindi ako easy girl, ‘no! “You said the wrong thing,” natatawang sabi ko.

                “I’m positive I said the right thing.”

                “You can’t want someone you just met.” Elsa? Dahil sa Frozen syndrome ko, kung anu-ano na ang nasasabi ko.

                “Why? Are you dating someone? Are you dating Juan?  Because you can’t. He’s with Meg. May mga panahon lang talaga sa buhay ng isang tao na kailangan mong magustuhan ang isang bagay na ipinipilit ibigay sayo.”

                Ano bang sinasabi niya? “Alam mo, wala akong time para sa ka-weirdo-han mo. Just go, okay?” Inirapan ko siya. Kahit masakit sa kalooban ko dahil masyado siyang gwapo para irapan.

                “Come. I’ll show you so—”

                “Ohmygod!” was my reaction when Juan almost hit Chaunce but he caught Juan’s fist.

                “Did Santillian remind you the rule?” Bigla niyang binitawan ang kamay ni Juan. “No punches in the face.”

                Bakit niya alam ‘yon? Magkakakilala ba talaga sila? Ano’ng mayro’n sa kanila ni Chaunce? Nagulat ako nang bigla akong inakbayan ni Chaunce at halos makadikit na ang katawan namin. This is so awkward. Walang magawa si Juan. Ito ba ang katapat niya? Si Chaunce.

                “Chill, boy. You know I don’t have a thing for your girl. She’s not even my type. Yeah, she’s gorgeous as fallen angel but what’s yours is yours. Calm your veins. I lose at the basketball but I know...” Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi. “I won this time.” Then he let go of me.

                “Good play, Froi. See you around, kids,” paalam niya.

                “Breathe, Faye. Breathe some air.” Kung hindi pa sinabi ni Froi, baka kanina pa ako nawalan ng malay dahil nagpipigil pala ako ng hininga.

                “What was that? Bakit siya gano’n? Bakit galit siya sayo Juan?” Ang dami kong talagang tanong dahil kailangan nilang sagutin lahat ‘yon. Hinalikan ako ni Chaunce. Kahit na sa pisngi lang ‘yon, kiss pa rin iyon.

                “'Wag kang mag-alala, he’ll pay for that.” Tinapik ako sa balikat ni Froi. “I better get going. Tumakas lang ako sa trabaho ko kanina. See you at the party.” Pinanood lang namin siyang makaalis.

                Si Juan, walang kibo. Hindi na siya nagsalita simula no’ng umalis si Chaunce. Hindi na ako sumabay sa kanila dahil kailangan kong iuwi ang kotse ni Kuya Ian bago ako magpunta sa party. Hindi ko nga alam kung pupunta pa ako dahil hindi ko nagustuhan kung ano ang nangyari kanina. Nadamay ako. Wala akong idea sa kung anong mayro’n sila, dapat hindi nila ako sinasabit sa mga gano’ng bagay. Nakakaimbyerna.

                Paliko na ako sa subdivision namin nang makita kong naglalakad si Froi. Mukhang pauwi na rin siya sa Sunville kaya naisipan kong tawagin siya para pasakayin. Iginilid ko ang kotse kung saan siya naglalakad. Kaagad naman niya akong napansin kaya huminto siya. Binaba ko ang bintana ng passenger’s seat. “Hey, get in,” tawag ko sa kanya.

                “Hindi na. Malapit lang naman 'yung bahay namin,” nakangiting sagot niya.

                “Tara na. Mapapagod ka lang kakalakad.”

Love Hate: Her Shaken HeartWhere stories live. Discover now