Chapter 21: Little Favor

920 24 3
                                    

Pinapanood naming maglaro sila Karl nang dumating si Froi. Mukhang pagod na pagod siya kaya naman pagkapasok niya ng bahay nila Juan ay dumiretso siya ng upo sa tabi ko. “Hi,” bati niya sa akin.

                “Hello. Kumusta naman 'yung work mo?” tanong ko sa kanya.

                “I enjoyed it but it was tiring as always. Can I sleep first?” Tumango na lang ako dahil ayaw ko namang guluhin pa siya. Nagulat na lang ako nang ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Nakaramdam ako ng pagka-awkward pero hindi ko na pinansin ‘yon. 'Wag na lang sana maging-wild si Juan kapag nakita niya si Froi na natutulog sa balikat ko.

                Napatingin ako sa hagdan nang makita kong pababa si Tita Vicky. Napangiti siya nang makita niya si Froi. Tahimik na nilapitan ni Tita Vicky si Juan. “We need to talk,” mahinang sabi niya sa anak niya.

                Kaagad namang inabot ni Juan ang joystick na hawak niya kay Karl at tahimik na sumama sa Mommy niya. Nagtaka kaming lahat nang sumunod din sa kanila si Meg. Pagkakaalala ko, si Juan lang ang tinawag at hindi siya kasali.

                Bago pa makaakayat si Juan sa hagdag, tiningnan niya muna ako ng masama. “Wake him up or I will,” banta niya.

                “Let him sleep. He looks tired,” sabi naman ng Mommy niya. Narinig pala niya ang sinabi ni Juan. “Come on.”

                Si Cheska na ang nagtuloy ng laro ni Juan kaya naman naiwan akong mag-isa sa tabi ni Froi. In fairness, nakakangawit din pala ang ganitong puwesto. Medyo mabigat pa ang ulo ni Froi. Tsk. Kung hindi lang ako magiging kontrabida sa masarap niyang tulog, baka kanina ko pa siya ginising. Napansin kong bagsak pala ang buhok ni Froi. Mas malinis tingnan kapag ganito lang ang ayos nilang magkakaibigan. Si Juan kasi ang lakas ng dating dahil sa brush-up niyang hairstyle.

                Napansin kong natatakpan ng bangs ni Froi ang mukha niya. Naisipan kong hawiin iyon. Nakaramdam ako ng inggit nang makita ko ng malapitan ang mukha niya. Sobrang puti at sobrang kinis. Natural na natural ang kutis niya. Dinaig pa akong babae. Maganda nga si Froi kapag naging babae siya. Pustahan pa, magkakagusto rin sa kanya sila Karl.

                “I won’t go with her! I will never go to the States!”

                Napatayo kami pare-pareho nang marinig namin ang malakas na sigaw ni Juan. Nakita na lang namin siyang tumatakbo pababa ng hagdan at mabilis na lumabas ng bahay nila. Hahabulin ko sana siya pero biglang hinawakan ni Froi ang kamay. “What’s happening? Sino 'yung hinayupak na sumigaw?” tanong niya. Hihingi pa sana ako ng sorry dahil nagising siya dahil sa pagtayo ko pero kailangan kong habulin si Juan.

                “I’m gon—“

                “Don’t. Don’t follow him. They’ll know. Nakakapansin na sa inyo si Tita Vicky. Stay here. I’ll follow him.” Lumabas na rin si Karl para habulin si Juan.

                Naupo na lang ulit ako sa tabi ni Froi. Nagpa-panic 'yung isip ko. Hindi ko alam kung ano 'yung pinag-usapan nila sa taas pero may narinig akong ayaw pumunta ni Juan sa States. Bakit naman siya papapuntahin sa States ng Mommy niya? Ano’ng reason?

                “Where’s my son?” tanong ni Tita Vicky sa amin. At mukhang nagtalo nga sila sa taas dahil iba ang itsura ngayon ni Tita Vicky.

                “He went out. Karl went too,” sagot ni Froi. “It’s already late. Mauna na kami, Tita.”

                “Hindi ka ba muna kakain, Froi?” Nginitian naman siya ni Tita Vicky kaya medyo nabawasan ang kaba sa dibdib namin.

Love Hate: Her Shaken HeartWhere stories live. Discover now