Chapter 39: I Won't Promise Anything

794 16 2
                                    

Isang linggo na ang lumipas no’ng natapos ang sem-break namin. Hindi namin magawang maging okay dahil dalawang kaibigan namin ang wala. Alam sa buong campus kung bakit wala si Juan at kung sino ang kasama niya. Hindi ko nga alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga naaawa sa akin dahil sa tingin nila ay mas pinili ni Juan si Meg.

                Naglalakad ako ngayon papunta sa library namin para sa homework namin sa World Literature. Kailangan kong mag-research about classic novels. Si Cheska naman, mas piniling magpunta na lang sa computer laboratory namin para do’n mag-research. Sa tingin ko kasi mas marami akong makukuha kapag sa mga books ako naghanap.

                “Millicent!” Napalingon ako sa kaliwa nang may isang babae ang tumawag sa akin. “Bumili ako ng magazine niyo ni Dwight,” sabi niya at saka niya pinakita sa akin ang hawak niyang magazine.

                “Thank you,” nakangiting sagot ko. “Worth it naman ba ang pagbili?”

                “Oo naman! Kanina pa kita hinahanap. Gusto ko kasing magpa-autograph.”

                “Autograph?” Tinuro ko ang sarili ko. “Sa akin? Baka naman si Dwight ang hinahanap mo.”

                “Hindi. Ikaw talaga ang gusto kong pumirma dito sa magazine dahil alam kong busy pa si Dwight.” Naglabas na siya ng pentel pen. “Model ka na ba talaga?”

                “Hindi naman.” Kinuha ko sa kanya 'yung magazine at pentel pen. “Ano nga ulit name mo?” As if sanay talaga ako sa mga ganitong bagay. Nakita ko lang naman 'to sa The Glimpse tuwing may fan-signing event sila.

                “Jessy,” nakangiting sagot niya.

                Nilagyan ko ng  ‘Thank you, Jessy’ ang cover ng magazine. Gusto ko na ngang takpan 'yung mukha ko, eh. “Thank you ulit. Sorry kung pangit ang penmanship ko. Hindi kasi ako sanay sa mga autograph na 'yan.”

                “Thank you po!” At saka siya naglakad palayo.

                Tatlong araw na rin ang lumipas nang inilabas ng agency nila Froi ang pictures namin. No’ng una, hindi siya bumenta dahil hindi sanay ang fans ni Dwight na may kasama siyang babae pero hindi rin nagtagal, dumami na rin ang bumili. Buti na lang, wala masyadong nakakakilala sa akin tuwing lumalabas ako. Pati sila Mama bumili ng copy bago sila lumipad papunta sa Lolo’t Lola ko. Oo, mag-isa na lang ako sa bahay at hindi ko alam kung kailan sila babalik.

                Pumasok na ako sa loob ng library. Iniwan ko muna 'yung I.D. ko sa librarian at saka ako naghanap ng bakanteng table. Binaba ko muna sa isang table ang dala kong gamit at saka ako nag-ikot para hanapin 'yung mga kailangan kong books. Konti lang ang tao ngayon dito sa library dahil malapit nang mag-lunch break. Kailangan ko nang magmadali dahil hihintayin pa kami ni Karl para sabay-sabay na kaming kumain. Buti na lang talaga at hindi nabo-bored si Karl kapag kaming dalawa ni Cheska ang kasama niya. Wala rin naman kasi siyang ibang kaibigan bukod sa mga ka-team niya sa basketball. Madalas siyang mag-practice kaya pinapanood namin siya ni Cheska tuwing vacant namin. Si Cheska naman, nahihiya pa rin tuwing nasa paligid si Kaizer. Sa tingin ko naman, may gusto rin sa kanya si Kaizer pero natatakot lang kay Karl. Protective na Kuya kasi si Karl, eh.

                Nang makuha ko na ang mga book na kailangan ko, bumalik na ako sa table. Kinuha ko na bag ko ang eyeglasses ko para masimulan na ang paghahanap ko ng classic novels. I’m not a fan of classing novels. Mas gusto ko 'yung mga tipo ng Fifty Shades Trilogy. Just kidding. Mahilig akong magbasa ng romance, contemporary, general fiction books kaya sa tingin ko, mahihirapan ako sa homework na gagawin ko.

Love Hate: Her Shaken HeartWhere stories live. Discover now