Chapter 14: You Look Gorgeous

1.1K 28 3
                                    

“Pasensya ka na pala sa kapatid ko. Hindi ko naman alam na papasok sa isip niya na dito pa kami mag-ready sa bahay niyo. Gusto ka raw kasi niyang ayusan,” nakangiting sabi ni Karl.

                “Wala 'yun. Okay na nga rin 'yung nandito kayo para may kasabay na akong pumunta sa fashion show ni Froi.”

                “Bakit? Hindi ka ba susunduin ni Juan?”

                “Hindi ko alam do’n. Kagabi pa siya hindi nagpaparamdam, eh.”

                “Hindi pa nga kayo ni Juan, nag-aaway na kayo? Masyado na talagang advance ang panahon ngayon,” biro pa niya.

                Nakakaloka itong si Cheska. Hindi manlang siya tumawag kagabi na dito sila mag-aayos ni Karl. Naabutan pa tuloy niya akong natutulog. Buti na lang at siya lang ang naglakas-loob na pasukin ako sa kwarto. Nakakahiya pa kay Karl kung nakita niya ang itsura ko habang natutulog.

                “FYI, hindi kami nag-aaway. Talagang na-misunderstood niya lang si Kuya Ian. 'yung kaibigan mo naman kasi napakarumi ng isip,” dispensa ko naman. Totoo namang hindi kami nag-aaway ni Juan. Hindi ko lang talaga alam kung bakit tumakbo siya paalis no’ng nalaman niyang Kuya ko pala 'yung sinisigaan niya sa mismong bahay namin. Tsk. Ang hangin kasi.

                “May Kuya ka?”

                “Oo naman. Hindi ko pa ba nasasabi sa inyo?” Akala ko pa naman nabanggit ko na sa kanila si Kuya Ian. Sabagay, kung nasabi ko na nga sa kanila ang tungkol kay Kuya baka hindi nag-iinarte ngayon si Juan.

                “Hindi pa. Well, nandito ba siya ngayon?” Ramdam kong biglang na-tense si Karl. “Mabait ba siya?”

                “Hindi siya nakatira dito. Sobrang mabait si Kuya. Kung hindi siya mabait, sana pinatulan na niya kahapon ang kayabang ng kaibigan mo,” biro ko pa.

                “Ba’t hindi siya nakatira dito?”

                Eh, bakit ang daming tanong ni Karl? “He’s not literally my brother. My parents adopted him because they thought my mother’s not going to bear a child.”

                “I see. So, only child ka lang talaga?”

                “Hindi.” Naging seryoso ang itsura naming dalawa ni Karl. “Kasi ako 'yung nawawalang kapatid niyo ni Cheska.”

                “W-what?”

                “Oo, Karl. Matatanggap niyo ba ako kahit na anak lang ako sa labas?”

                “H-how—“

                “Joke lang. 'to naman 'di mabiro,” natatawang sabi ko pa. Masyado ba akong magaling umarte at inakala niyang totoo 'yung sinasabi ko? Tss.

                “Shit. Muntik ko nang kunin ang phone ko para tawagan si Daddy.”

                “Sorry na.” Nag-pout pa ako para tanggapin niya ang sorry ko. Hindi ko naman talaga alam na maniniwala siya. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko naisip 'yung kalokohang iyon.

                “Okay. You got me by your charms.”

                Nginitian ko na lang siya. “Only child lang ako. Sana nga may kapatid rin akong katulad niyo ni Cheska. Pero masaya naman ako kay Kuya Ian. Kahit na bihira lang kaming magkita.”

Love Hate: Her Shaken HeartWhere stories live. Discover now