Chapter 31: Monte Carlo Village

937 24 1
                                    

Nakasakay na ako sa isang bus papunta sa bahay ni Tita. Oo, hindi ako sumama kay Juan. Sinabi ko lang sa kanya iyon para magkaroon siya ng reason para tumuloy sa States. Sila Cheska, ang alam nila, susunod ako kay Juan pero hindi naman talaga. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung tuluyan nga akong sumama kay Juan. Baka pagsisihan ko lang iyon. Mas mabuti nang magkalayo muna kami kahit walang kasiguraduhan kung gaano katagal. P’wede namang maghintay, 'di ba?

                Tatlong araw pa bago ang ball na pupuntahan ko dito. Alam naman ni Tita na darating ako kaya susulitin ko na lang ang mga araw ko dito. Baka dito ko makuha 'yung sagot sa mga katanungan ko. Kailangan ko lang masabi kaagad kay Juan na hindi ako tumuloy para hindi niya maghintay sa wala. Kailangan niyang masanay na wala ako sa tabi niya, gano’n din naman ako.

                “Monte Carlo Village,” sabi ng kundoktor kaya tumayo na ako at binitbit ko na ang bag ko.

                Pagkahinto ng bus, kaagad na akong bumaba at sinalubong naman ako kaagad ni Tita. Sabay na kaming sumakay sa kotse niya. “How’s your flight?” tanong niya.

                “Okay naman po,” mahinang sagot ko.

                “What’s wrong? Pinilit ka lang ba nilang magpunta dito?”

                “Hindi po. May iniisip lang ako.” Hindi na ako muling kinausap pa ni Tita hanggang sa makarating kami sa bahay niya. Hinayaan na muna niya akong makapagpahinga. Buti nga at hindi siya nangungulit ngayon. Napansin siguro niyang wala ako sa mood.

                In-off ko muna ang phone ko. Nakapag-text naman na ako kila Mama na nandito na ako kaya hindi na nila kailangan pang mag-alala. Pinag-iisipan ko pa kung ipapaalam ko na ba kay Juan kung nasaan talaga ako ngayon. Siguro, mamayang pagkagising ko na lang siya tatawagan.

                Hindi pa ako nakakagawa ng matinong tulog, narinig ko na kaagad ang pagkatok ni Tita sa labas ng kwarto. Kaagad naman akong tumayo dahil hindi siya tumitigil sa pagkatok. Inayos ko muna ang sarili ko at saka ko binuksan ang pinto.

                “Bakit, Tita?” nag-aalalang tanong ko dahil mukhang may nangyaring hindi maganda. “May problema po ba?”

                “Hindi ko alam. Tumawag ang Mama mo. Hindi ka raw nila ma-contact. Tawagan mo raw sila kaagad dahil may problema yata 'yung kaibigan mo,” paliwanag ni Tita.

                Kaibigan? Alam na kaya ni Juan kung nasaan ako? Sino naman ang p’wedeng magsabi sa kanya? Sila Mama lang naman ang nakakaalam na nandito ako. “Okay, Tita. Tatawagan ko na si Mama,” sabi ko at isinara ko na ulit ang pinto bago ko binuksan ang phone ko para tawagan si Mama.

                “Ma, what happened?” tanong ko kaagad nang sagutin niya.

                “Nagpunta dito sila Cheska. Tinatanong niya sa amin ng Papa mo kung dumaan ba dito si Froi dahil tatlong araw na siyang hindi nagpaparamdam. Pati kami ng Papa mo nag-aalala na.”

                “Ano? Tatlong araw na po?” Oo nga. After ng concert, hindi na namin siya nakita. Ni-hindi siya nagtetext kila Karl. Pati no’ng umalis si Juan, wala siya. Ano kaya ang nangyari kay Froi? “Ako na po ang tatawag kila Cheska para makibalita. Tawagan niyo po ako kung may balita na rin kayo.”

                “Okay. Stay safe, sweetie. Love you.”

                “Love you, Ma.” Sabay baba ko ng tawag. Hindi ko alam kung tatawagan ko na ba sila Cheska. Malalaman nilang hindi ako sumunod kay Juan at malamang tatadtarin nila ako ng tanong kung bakit. Pero hindi ko naman p’wedeng baliwalain 'yung nangyayari kay Froi.

Love Hate: Her Shaken HeartWhere stories live. Discover now