Chapter 56: Santillian vs. Madrigal

782 18 1
                                    

                Kalahating oras na lang at magsisimula na ang laban ng Red Cool and Hot Shots. Pero bago mag-start ang actual na laro, magkakaroon muna ng parade sa loob ng gymnasium ng AE-U. Nakapila na kami ngayon sa entrance ng gym. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa dami ng tao at katabi ko pa si Juan. Siya kasi ang tumatayong escort ko ngayon. Suot niya ang jersey uniform ng Red Cool at may suot rin siyang snapback na pabaliktad ang suot..

                Si Cheska naman, ginupit 'yung jersey na binigay sa akin ng team para raw kita ang tummy ko. Sexy raw kasing tingnan. Hindi naman ako pumayag na magsuot ng skirt kaya short-shorts ang suot ko, plus sneakers. Siya na rin ang nag-ayos ng buhok ko kaya naka-braided ponytail ako. Hindi ko alam na sanay pala siyang mag-braid. Hindi na rin ako nagpa-makeup dahil huhulas din naman mamaya iyon kahit pa air-conditioned ang gym ng AE-U.

                Napatingin ako sa kabilang team. Ang ganda-ganda ng muse nila. Walang-wala ako. Sa tindig palang niya, ang sexy-sexy niya. Ngayon lang yata ako na-insecure sa buong buhay ko. Si Chaunce naman ang escort no’ng kabila. Nakita kong kasama na sa team nila 'yung dalawang kapatid niya. Panay lang ang ngiti nila sa mga audience. Hindi na ako magtataka kung kaunti lang supporters ng Red Cool dito. Nasa AE-U kami kaya malamang sa mas maraming supporters ang kabilang team.

                “Smile,” rinig kong bulong ni Juan.

                “You too,” sagot ko sa kanya. Alam kong ang awkward, pero kailangang maganda ang dating namin sa mga tao.

                Nang magbigay na ng signal 'yung host na magsisimula na ang game, nag-ready na kami para sa parade. Mauna ang Hot Shots kaya nag-give way naman kami. Napansin kong nakatingin sa akin 'yung muse nila. Ang pinagtataka ko ay nakangiti siya sa akin, pero hindi ko na siya nangitian dahil sa iba na napunta ang atensyon niya. Nag-smirk naman si Chaunce nang mapatingin siya sa amin.

                “Pris An! Pris An!”

                “Go! Go! Hot Shots!”

                Ilan lang 'yan sa mga sigaw ng mga tao dito sa gym. Sabi ko naman, hindi na ako magtataka kung puro supporters nila ang nandito. Hindi kaya Pris An ang pangalan ng muse nila?

                “Come on.” Nagulat ako nang bigla akong hinawakan sa braso ni Juan. Not what I’m expecting. “Just walk. 'Wag kang kabahan,” bulong pa niya.

                Naglakad na ako na parang hindi ako kinakabahan. Gaya ng sinabi ni Juan, ngumiti lang ako nang ngumiti sa mga tao. Pare-pareho kaming nagulat nang makarinig kami ng hiyawan galing sa mga supporter ng Red Cool. Hindi namin inaasahan na marami rin ang pupunta.

                Nagulat ako nang biglang may humatak sa banner na nasa unahan namin. Gulat kaming napatingin kay Cheska. Lahat kami nagtaka kung bakit ginawa ni Cheska 'yon. “Go on!” sigaw niya.

                “Walk. Show your sexiness,” bulong ni Juan at ramdam na ramdam ko kun gaano siya kalapit sa tenga ko. Hindi ko na siya pinansin. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko.

                At dahil lumakas na ang hiyawan ng mga tao, nilakasan ko na ang loob ko. Kung kailangan kong mag-tumbling, gagawin ko, pero syempre, hindi ako sanay kaya next time na lang. Naglakad ako na parang proud na proud ako sa team ko. Rinig na rinig ko na rin ang mga pumipitong lalaki. Show off pa more, Millicent.

               

                Pagkatapos nang parade, nag-start na rin ang first quarter. Tahimik lang akong naupo sa bleacher habang busy sa kaka-cheer si Cheska. Hindi pa naman intense ang laban kaya mamaya na ako magchi-cheer. Nakaka-stress kaya 'yung ginawa kong paglakad. Nakakapagod. Feeling ko tuloy pinagpawisan 'yung kili-kili ko. At dahil hindi nga ako komportable, nagpaalam muna ako kay Cheska na magsi-CR lang ako. Balak niya pa akong samahan, pero sabi ko okay na ako. Mag-cheer na lang siya sa Red Cool. Saka sandali lang naman ako. Titingnan ko lang naman kung mukha pa akong tao.

Love Hate: Her Shaken HeartWhere stories live. Discover now