Chapter 30: I'll Go With You

863 25 1
                                    

Kakatapos lang ng mini-concert ng The Glimpse. One word, happiness. Ngayon lang talaga ako naging masaya na naging kaibigan ko sila Cheska. Joke. Ikaw ba naman ang mapunta sa VIP seats at abot-kamay mo lang ang super crush mong banda. Halos tatlong oras din ang itinagal ng concert dahil hindi ma-satisfy ang mga nanood. Kung p’wede nga lang na abutin na kami ng pagsikat ng araw kakapanood sa The Glimpse, hindi na ako uuwi.

                Alam kong bwisit na bwisit na sa akin kanina pa si Juan dahil sa pagfa-fangirling ko sa Daddy nila Karl. Wala naman silang magagawa dahil super fan nga ako. Ayaw ko pa sanang umuwi. Parang gusto ko pang titigan ng matagal 'yung stage kung saan nag-perform ang The Glimpse. Gusto kong sulitin 'yung libreng concert nila. Oo, libre nga. Gift na raw iyon ng The Glimpse sa students dahil successful ang School Fair namin.

                “Hindi ka pa ba nagsasawa sa ginagawa mo?” inis na tanong ni Juan habang nagda-drive siya. “Kanina mo pa pinapanood ang videos nila.”

                “Hello? Earth to Juan? Kaya ko nga sila kinuhanan ng videos para panoorin, hindi para mapanis lang dito sa phone ko.” Inirapan ko siya. Buti na lang at hindi niya nakita iyon.

                “Hindi ko alam kung maganda ba ang naidulot ng concert na ‘yon,” bulong niya pero rinig na rinig ko naman.

                “Para namang lagi kong nakikita ang The Glimpse,” bulong ko rin. Itinabi ko na phone ko para wala nang masabi itong driver ko. Nanahimik na lang ako at tumingin na lang sa harap. “Ba’t parang hindi ibang way yata ang dinadaanan natin?” nagtatakang tanong ko.

                “‘Coz we’re not going home yet.”

                “So, where are we... Shit. You didn’t... OMG! Really? Are you serious?!” I can’t contain my happiness knowing that we’re going to Cheska’s crib! “I really love you!” Pilit ko siyang niyakap kahit alam kong manganganib ang buhay namin.

                Hindi porke’t sinabihan ko na ng ‘I love you’ si Juan, ay kami na. Sinasabi ko iyon dahil 'yun ang nararamdaman ko kahit na alam kong hindi pa p’wedeng maging kami dahil nand’yan pa si Meg. Nag-promise naman si Juan na gagawin niya ang lahat para tuluyan nang mabura sa picture si Meg.

                “I just thought you want to meet Tito Shawn personally. I got a call from Karl, nasa hotel 'yung ibang member kaya si Tito Shawn lang talaga ang makikita mo.”

                “Ohmygod. It’s alright. I’m fine with that.” Dahil sa kilig ko, hindi ko na napigilan ang pagkurot ko sa kanya. “Thank you!”

                “Stop doing that. Baka magsugat,” saway niya sa akin pero mukhang hindi naman siya nainis sa ginawa kong pagkurot sa kanya.

                “Yes, Sir.” Pipigilan ko na lang itong kilig ko hanggang sa makauwi na ako sa bahay.

                “Behave. You can’t fall in love with him. He’s older than you. When I said older, literally older. Forget his physical features.” Nagulat ako nang paluin niya ng dalawang kamay niya ang manibela. “Damn this thing called jealousy.”

                “Hey. Chill. Just because I’m a huge fan, doesn’t mean he has my heart.”

                Pagkarating namin sa labas ng bahay nila Cheska, binilinan kaagad ako ni Juan na tiisin ang kilig dahil ayaw niya raw akong makitang naghi-hysterical sa harap ng parents ng mga kaibigan namin. May point din naman siya kaya lang hindi naman ako maghi-hysterical. Masyado nang OA ang kilig kapag gano’n.

Love Hate: Her Shaken HeartOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz