Chapter 62: Sorry For Everything

812 22 2
                                    

                “You made it,” nakangiting sabi ko kay Froi nang hawakan niya ang dalawang kamay ko.

                “Yes. I’m so sorry.”

                “Don’t be. I’m just glad you’re here now... as my last dance.” Halos bulong na 'yung huling salitang lumabas sa bibig ko. Kahit hindi naman siya ang last dance ko, matutuwa pa rin ako kung dumating siya nang mas maaga.

                I watched him as he places my both hands in the back of his neck. He gently pulled me as places his hands firmly in my waist. As if we are remembering the first day we met. Siguro nga’t hindi ganitong-ganito ang posisyon namin noon, pero hindi ko maiwasang hindi maalala 'yung unang beses na isinayaw niya ako.

                “What happened to your originaly last dance?” he said breaking into my thought. Hindi ko inaasahan na magtatanong siya tungkol kay Juan.

                “I don’t know. May nagsabi lang sa amin na may pinuntahan siyang carshow,” sagot ko at hindi na siya kumibo pa. Nahalata ko rin naman na medyo nainis siya sa sagot ko. Hindi niya rin siguro inaaasahang wala si Juan ngayon.

                Habang tumatagal ang pagsasayaw namin, mas lalong kong nararamdaman na halos magkayakap na kami. Is it just me or he does pulling me?

                “It really suits you,” bulong niya sa akin nang tuluyan na siyang napayakap sa akin. “You looks so gorgeous like the first time I met you.”

                “Thank— Ohmygod!” Napatakip na lang ako ng bibig nang biglang may humatak kay Froi at saka siya sinuntok. Halos lahat ng tao sa party ko nakita ang ginawa ni Juan.

                “Nawala lang ako sandali, umeksena ka na naman!” galit na sigaw ni Juan kay Froi. “I already told you, stay away from my girl!” Akmang susuntukin niya ulit si Froi, pero nasuntok na siya ni Kuya Ian.

                “Kuya!” sigaw ko.

                “I told you, Faye. Masasaktan ko na siya kapag nagkita kami,” galit na sabi sa akin ni Kuya. “And you.” Sabay duro niya kay Juan. “You just ruined my sister’s birthday, happy?” Hinawakan niya sa kuwelyo si Juan. “Fuck you!” At nakita ko na lang na lumapat ang kamao ni Kuya sa mukha ni Juan.

                “Ian! Ian, stop it!” saway ni Mama.

                “Millicent,” rinig kong tawag sa akin ni Cheska. Kaagad naman niya akong nilapitan para tingnan kung hindi ako nasaktan.

                “What the hell did you just do?!” galit na tanong ni Papa kay Juan.

                “I’m so sorry. Anger got me. Let me explain,” sagot ni Juan.

                “Faye, pumasok ka muna sa loob. Kami na ang bahala sa mga bisita mo,” utos sa akin ni Mama. Nakita kong hawak-hawak pa rin ni Kuya sa kuwelyo si Juan.

                Papasok na sana kami ni Cheska sa loob ng bahay nang bigla akong tinawag ni Juan. “Let me explain! I’m so sorry, Millicent!” sigaw pa niya.

                Nilingon ko na lang siya at hindi ako nagpakita ng kahit na anong emosyon. “I’m so disappointed to you, Juan,” sabi ko at saka kami nagpatuloy sa paglalakad ni Cheska.

                Nagpunta na kami sa kwarto ko dahil hindi ko na napigilang umiyak. Yakap-yakap lang ako ni Cheska habang pinapatahan niya ako. Hindi na namin alam kung ano na ang nangyayari sa baba. Nasasaktan ako dahil sa ginawa ni Juan. Nasasaktan ako kasi nagawa niya iyon sa harap ng maraming tao, sa harap ng magulang ko. Lalo niya lang pinatunayan sa akin na sayang lang ang pagbigay ko sa kanya ng second chance.

Love Hate: Her Shaken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon