Chapter 7: Stay Away From Me

1.2K 29 3
                                    

Kahit super sama pa ng pakiramdam ko, maaga akong gumising dahil alam kong dadating si Juan. Ayaw ko namang magpunta siya dito na tulog pa ako. Wala siyang sinabing oras sa Mama ko kaya hindi rin ako sure kung anong oras siya pupunta. Baka naman hindi talaga siya pupunta?

                Bago ako bumaba, nagpalit muna ako ng damit. Nag-plain t-shirt at hindi ganoong maiksing short lang ako. Minsan naka-PJ lang ako sa bahay pero baka sabihin naman ni Juan, hindi manlang ako nag-effort mag-ayos ng sarili. Nag-ipit na lang din ako ng buhok. Ang haba na kasi ng buhok ko, ayaw ko namang magpagupit dahil feeling ko masasayang lang kapag pinabawasan ko. Gusto ko naman kasi ‘yung pagiging wavy ng hair ko. Hindi siya pangit tingnan. Naging style pa nga siya, eh.

                “Look who’s excited to see him,” pang-aasar ni Mama. Kagabi pa niya ako inaaasar kay Juan. Sinabi ko naman sa kanya na friends lang talaga kami. Nagkataon lang talaga na dito rin siya sa Pineville nakatira kaya sinasabay na niya ako pauwi.

                “Mama naman. Hindi na ako elementary o high school student para asarin niyo pa ng gan’yan. I swear, friends lang talaga kami. At kung makikilala niyo pa siya, daig niya pa ang hanging habagat sa sobrang yabang.” May inis sa tono ng pananalita ko. Hindi naman ako naiinis dahil si Juan ang pinag-uusapan. Naiinis ako kasi… Ewan. Basta naiinis ako.

                “Hindi ka excited pero maaga ka gumising?” natatawa pang sabi ni Mama.

                “Ayaw ko lang na abutan niya akong natutulog. Nakakahiya naman ‘yun. Saka, hindi pa naman tayo sigurado kung pupunta talaga siya, eh.”

                “Pero umaasa ka?”

                “Ma? Seriously?”

                “What? I told you, I like him. Hindi ko nga alam na gano’n na pala kagwapo ang mga lalaki ngayon. Ang lakas ng dating niya. Sikat siguro siya sa school niyo. Tss. Marami kang karibal, Faye.” Sa sobrang daldal ng Mama ko, hindi ko na alam kung magsasalita pa ba ako o mananahimik na lang.

                “Natitigan ko nga siya kagabi habang nakatalikod ang Papa mo. Ang ganda ng mata niya. ‘Yung bagsak ng buhok niya natural na natural. Hindi masyadong mahaba, pero hindi rin maiksi. Alam na alam niya kung paano pumorma,” tuloy pa ni Mama kaya natameme na lang ako.

                “Fine. I’ll shut my mouth na. Umakyat ka muna sa taas at magpahinga. Hindi pa bumaba ang lagnat mo. Baka mabinat ka niyan. Maghahanda lang ako ng breakfast.” Nagpunta na si Mama sa kusina. Hindi ko siya sinunod. Dito lang ako sa baba para in case na dumating si Juan, baka kasi may masabi pa si Mama.

                Nahiga muna ako sa sofa. Gusto ko sanang manood ng TV kaya lang sumasakit ‘yung ulo ko kapag masyadong maingay. Sabi ni Papa, malakas daw makabinat ang panonood ng TV. Ayaw ko naman i-try kung totoo. Matanda na ako para maniwala pa sa mga gano’n bagay.

                Bigla akong napatayo dahil sa naalala ko. Hindi pa pala ako naliligo. Oh may gulay! Bakit kasi hindi p’wedeng maligo ang may sakit? Inamoy ko pa ang sarili ko kung mabaho na ba ako o halata bang hindi pa ako naliligo. Kahit naman hindi ako maligo ng matagal, hindi ako bumabaho pero kasi si Juan ‘yun, eh. Baka mamaya asarin pa ako no’n. Nakakahiya talaga.

                “Faye!” Narinig kong sigaw ni Papa. “Faye!” sigaw niya pa ulit. Hindi niya siguro alam na kanina pa ako nandito sa baba.

                “Pa, nandito ako. Bakit po ba?” tanong ko at bumangon muna ako.

                “May bisi—“ Hindi ko na hinintay pang tapusin ni Papa ang sasabihin niya. Tumayo na ako agad at dumiretso sa CR para tingnan ang sarili ko.

Love Hate: Her Shaken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon