# 39 PARTING TIME

65 1 0
                                    

SHITSUI:

“Babalik nanaman ba tayo sa dati?” tanong niya sa akin.

Tiningnan ko lang siya. Wala na akong pakialam kung nasaktan man siya sa pagkakatulak ko basta galit ang nangingibabaw ngayon sa akin. Ako ba ang sinusubukan niya?? Pwes panoorin niya ang gagawin ko! Agad kong hinagis yung mga pares ng kwintas namin sa ilog

“A-anong ibig sabihin non?” gulat na tanong niya. Tss, tinatanong pa ba yon??

“Ngayon ay mga basura na lamang iyon at simula ngayon ay wala na tayong koneksyon sa isa’t isa. Hindi na rin tayo magkakilala, maliwanag?” hindi ako makatingin sa kanya.. Para kasing nasaktan din ako sa sinabi ko

“Kung ganon ay… N-nakikipaghiwalay ka na pala…..” nakatingin sa baba na sabi niya pero garalgal yung boses niya

“Malaya ka na” sagot ko na halos pabulong na din dahil alam kong pipiyok ang boses ko pag sinabi ko iyon ng malakas

Tama, kailangan ko nang tapusin ang kalokohang namamagitan sa amin. Di ba, kalokohan din naman talaga ang pinagmulan ng lahat??

Nakatingin pa rin ako don sa pinagtapunan ko ng mga kwintas. Nararamdaman kong nag-iinit na rin itong mga mata ko.. Leche! Bakit ba ako naluluha??? Sa totoo lang eh kanina pa ako nagpipigil eh!

“Kung nakikipaghiwalay ka nang hindi man lang pinapakinggan ang mga paliwanag ko at sinasabi mong pinaglaruan kita… Oo! Pinaglaruan na kung pinaglaruan!” sabi naman niya na halatang umiiyak na.

Sh*T! Tumalikod ako sa kanya at inis na pinahid ang walang kwentang  mga luhang ito! Ayoko siyang lingunin!

“Siguro nga ay tama ka… Siguro nga ay ito na yung tamang panahon para tapusin na ang lahat sa atin. Siguro nga ay hindi na kailanman maibabalik yung dati dahil nga tulad ng sinabi mo, magkaibang tao na kayo ng sarili mo dati. Wag kang mag alala Tatsumo, suko na ako.. Ayaw ko na ring umasa na babalik ka sa dating ikaw. Sino nga ba ako para maging dahilan ng pagbabago mo di ba? Pero ito ang tandaan mo, naging totoo lang ako sa atin…”

“Talaga lang huh?” sarkastiko kong tanong

“Wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala. Kalokohan lang naman ang pinagmulan ng lahat ng ito kaya ano pa ba ang ine-expect ko? Pero salamat pa rin Tatsumo, paalam..” at tumayo na siya at kumilos na maglakad palayo

Naikuyom ko ang aking mga palad. Gusto kong magwala at sumigaw. Pakiramdam ko eh parang sasabog na itong dibdib ko pero pinipilit ko pa ring pigilan ang luha ko. Ayokong mag aksaya ng luha ng dahil lamang sa babaeng iyon. Sino nga ba siya di ba? Napagtrip-an lang siya ng hamon ng mga gago kong miyembro kaya hindi dapat ako apektado sa mga nangyari.

At simula ngayon ay buburahin ko na rin siya sa aking isip. Katulad nga nung sinabi niya, KALOKOHAN lang ang lahat kaya--- teka nga, matagal na ba niyang alam ang tungkol sa hamon?

Ilang minuto akong nakatulala at nakatingin sa ilog kung saan ko itinapon yung mga kwintas namin.

Mapait akong napangiti

Pero tama ba talaga yung mga naging desisyon ko? Nararamdaman kong umiinit nanaman ang mga mata ko...




----

NARRATOR:

Ilang araw ding iniyakan ni Hannah ang mga nangyari at tatlong araw na siyang hindi nakakapasok ng school.

Samantala sa Hino High School, wala pa rin namang nagbago. Kinakatakutan pa rin ang mga gang members. At mas lalo pang kinatakutan si Shitsui ngayon. Palagi itong wala sa mood at mas lumala pa ang ugali nito.

Memories BlossomWhere stories live. Discover now