#11 WALA LANG :P

68 1 0
                                    

HANNAH:

Mga ilang araw din ang lumipas

Halos kumalat na sa buong campus yung nangyari sa classroom

Pinagtitinginan ako ng mga estudyante

Ang iba ay ngumingiti sa akin

May nagsasabi rin ng ‘Congrats!’

Nakapagtataka, ba’t ganun?

(__ __)

Naglalakad na lang akong nakayuko

Nahihiya ako >////<

Galing sa canteen ay pumunta ako sa school park

Parang si Rui yung nakikita ko ah

“Rui!” tawag ko sa kanya

Parang hindi nya ako narinig ah. Imposible naman, eh ang lakas kaya ng pagkakatawag ko sa kanya. Iniiwasan nya ba ako? Hindi ito ang unang pagkakataon na ganito sya. Nitong mga huling araw ay para talagang iniiwasan nya ako

“R-Rui! Sandali!” hinabol ko sya

“Bakit?” tanong nya

Parang malamig ata ang pakikitungo nya sa akin ngayon ah

“Anong bakit, huwag ka ngang ganyan. Galit ka bas a akin at iniiwasan mo ako? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?” tanong ko. Ayoko na may kaibigan akong galit o nagtaampo sa akin :(

“Wala” sabi nyang hindi nakatingin sa akin

“Anong wala eh ilang araw mo na akong iniiwasan eh..” ako

“Busy lang. Paano, may gagawin pa ako” Rui

“S-sige..” ako

At umalis na sya. Bakit kaya ganon yon?

“Hannah!”

Nilingon ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko. Si Yuuki pala, kasama nya si Jenny

“Hi girl!” Jenny

“Kayo pala” ako

“Mag-isa ka lang?” tanong ni Jenny

Tumango lang  ako

 “Maupo tayo doon” aya ko sa kanila

“Sige” Yuuki

“Ang tindi mo rin pala Hannah” Jenny

“Bakit?” nagtatakang tanong ko

“Anong bakit? Alam mo bang ang bilis kumalat ng balita tungkol don sa halikan ninyo ni Tatsumo?” ang sagwa naman ng term ni Jenny T__T

“Ayusin mo naman yang pagkakasabi mo Jenny, hindi halikan ang tawag don noh. Aksidente lang kaya yon!” ako

“ Pareho lang yon girl. At tsaka may kumakalat pang tsismis na kayo na!” Jenny

“Ha?” kaya pala makahulugan ang mga tingin ng bawat nakakasalubong ko  (O.O)

“Alam mo Hannah, parang nagseselos yung si Rui Sawada kanina” Jenny

“Nagseselos ka dyan” imposibleng magselos yon

“Sa tingin ko ay nagseselos sya kay Tatsumo. Hindi ba’t kumalat na yung tsismis? Kawawa naman si Rui” Jenny

“At kung papipiliin ako, mas bagay kayo ni Rui Hannah. Nakakatakot kaya si Tatsumo” Yuuki

“Kaya Hannah, si Ruin a ang piliin mo. Manganganib ka lang kay Tatsumo” Jenny

Memories BlossomWhere stories live. Discover now