# 25 ALERT ALERT !!

55 2 0
                                    

Umandar na rin ang bus

Kanina pa kami nakaupo dito at hanggang sa oras na ito ay hindi parin nya ako kinikibo

Huhu sa totoo lang, ayoko ng ganito. Ayokong may tampo sa akin ang isang tao na hindi ko naman alam ang dahilan. At heto ngayon, si Shitsui pa. Kahit na hindi kami magkaibigan dahil hindi naman talaga kaibigan ang turing nya sa akin ay iba parin sa pakiramdam e :(

Ngayon, nag-iisip ako kung paano ko sisimulan ang aming pag-uusap

Ok, final. Kakausapin ko sya ngayon mismo. Gaya nung nakaplanong sasabihin ko...

*bwelo muna*

*hingang malalim*

and TINGGG!!!

Go Hannah!

"Oh, ikaw pala yan Shitsui!" ako

(-- _) --- (^^ ,)

(-- _) --- (^^ ,')?

(-- _) --- (^^ ,")??

(-- _) --- (T//T ,)

K

Kamusta naman yung intro ko? Parang may mali e. Late reaction lang?? Eh kanina pa kaya namin alam na kami ang magkatabi, psh. Nice move Hannah (__ __)>

At ang isang ito, sa labas parin nakatingin. Nagseselos na ako sa bintanang yan ha

(-- _) --- \(T^T)/

"Ibahin ko kaya ngayon. Gusto ko na yatang maging brutal at ibitin ng patiwarik ang mga nakakairitang taong tumatawag sa pangalan ko. O kaya, mas maiging i-salvage na lang para tapos?" narinig kong bulong nya habang sa bintana parin ang tingin

O________O!

*dub dub dub*

*lunok lunok*

"Ohohoh. Ikw pla yn Tatsumo ^^" bawi ko agad sa sinabi ko

Hindi na sya sumagot

Hanggang sa lumipas ang ilang minuto

....

....

....

Hay! Hindi talaga ako mapakali dito. Gusto kong kausapin at sapakin ang lalaking ito T_T

"T-Tatsumo?" hindi na ako nakatiis

Hindi pa rin sya lumilingon

"Tatsumo, may problema ba?" ako

Nakatanaw parin sya sa labas

Ayaw nya akong kausapin huh

*BOOOOOG!!*

"Ahh!! Ano ba?!" epektib, napalingon nga sya. Inapakan ko lang sya sa paa^^

"Iniiwasan mo ba ako?" ako

"Ba't naman kita iiwasan? Tss!" mukhang napalakas ata pag apak ko ah, hawak parin kasi nya ang kanyang paa. Delikado

"Hindi mo kasi ako kinakausap" ako

"Tinatamad lang akong makipag-usap o mas tamang sabihing makipagtalo sa isang dakilang mangmang" sya

"A-anong sabi mo??" ako

Hindi na sya nagsalita ulit at ibinalik na ang tingin sa labas

Ok, fine! Ayaw nya akong kausapin, di wag!

Lumipas pa ang mga sandali. Nakaramdam ako ng antok at hindi namalayang bumabagsak na pala ulo ko kay Shitsui

At biglang...

Tantananann...!!

"Aray!! Bakit mo yon ginawa??" halos magkasalubong na ang kilay na tanong ko

Pinitik lang naman nya ang tungki ng aking ilong. Yung pitik na malakas talaga? Syet, feeling ko ay namula na itong precious nosiee ko >.<

"Wala kang karapatang sumandal sa akin" tsk, napaka maginoo talaga

"P-Pasensya na..." hingi ko na lang ng paumanhin

Lumipas pa ang ilang minuto. Parang sya naman ang nakatulog. Naramdaman ko na lang na nakasandal na ang ulo nya sa akin.

*evil smile*

Pwes, bawi-bawi lang

At piningot ko ng bonggang-bongga ang kanyang ilong haha >:D

"Araayy!!! Sumusobra ka na ha!" aniya na parang kakain na ng tao

Oh my, natakot naman ako O____O

Pati yung ibang estudyanteng sakay din ng bus ay parang natakot

"Wala kang karapatang sumandal sa akin" sabi kong nakangiti. Hindi ako nagpahalatang natakot

Tinitigan nya ako ng matalim. Sinalubong ko rin ang tingin nya

Maya-maya ay bigla syang nagsalita

"Hoy Kitari, wala ka bang balak?" sya

"Balak?" ako

"Tumingin ka sa labas" sya

*tingin sa labas*

Ayt pagka shunga!

<________< !!

Natutop ko ang aking bibig

"Oh my gosh! Manong, pakitabi na lang po dyan sa may kanto!!"

At bumaba na nga ako. Nang paalis na ang bus ay nilingon ko yung kinaroroonan ni Shitsui

Hindi man lang lumingon ang dakilang boyfriend! Kainis, balang araw ay iiyak ka rin at magmamakaawa sa akin!!

Hmp, pero alam kong hindi yon mangyayari

Nagsimula na lang akong maglakad. Mukhang ang layo ng pagkakalampas ng bus sa bahay namin ah.. Matatagalan ako neto. Isa pa, papalubog na ang araw

No choice, makakasakay ako ng taxi. Kukunin ko sana ang wallet ko sa bulsa ngunit walang nahagilap ang kamay ko. Hinalungkat ko rin ang bag ko pero wala talaga. Waaah, saan na ba kasi yun? Huhu, doon pa naman ang lahat ng pera ko.

Makakapaglakad talaga ako TT_TT

At sa aking paglalakad..

*lakad*

*lakad*

*lakad*

"Hi miss! Baka kelangan mo ng kasama?"

"Oo nga miss, delikado ang paglalakad ng mag isa"

Huh?

Sino naman ang mga ito? Bigla akong nabahala. Malas! Mga tambay siguro ito sa kalye? Apat silang lahat at ang tatangkad nila! May suot din silang maskara

"Ah...hehe... Salamat na lang. Ang totoo nyan, doon lang ang punta ko oh, m-malapit lang..." kelangang kong maging alerto dito

"Hihihi... Sa ayaw at sa gusto mo ay sasamahan ka namin"

"Subukan nyong lumapit! H-hindi nyo ako kilala! M-may kapangyarihan ako at baka hindi ako makapagpigil ay magamit ko inyo! Tumakbo na kayo habang maaga pa" ganda ng pananakot ko, kapani-paniwala (_ _)?

Nagkamot ng mga ulo ang mga lalaki, parang di nagets yung sinabi ko ah >.<

"He-he-he... Come here beybeh!"

Waahh! Alert alert!

Memories BlossomWhere stories live. Discover now