Part 2 ng 21#

66 1 0
                                    

"SIYA???" biglang sabi nung isa na hanep ang bangs sa pagkakapantay

"B-BAKIT SIYA???" singit naman nung isa na Rukawa-style ang buhok

Minamata ata nila ako e huhu. Pukpukin ko kaya ang mga ito?? Kung makapagreact naman kasi e, kaasar! Nilalait ata ako T_T

"O, ba't parang gulat na gulat kayo?" tanong naman nung parang emo style ang buhok. Natatakpan kasi ng bangs ang isang mata. Ba't ba ang ku-cool nila?

"HANNAH PALA ANG PANGALAN NYA?? NAKU NAMAN E CRUSH KO YAN EH! BOSS NAMAN!" sabi ulit nung parang si Rukawa ng slamdunk ang haire style. Syet, mga baliw ata ito >.<

"Bakit, ikaw lang ba Reno? Ako din naman ah!" sabi naman nung mahaba ang buhok na nakatali

"Hoy, mas nauna pa akong nagka-crush sa kanya kesa sa inyo noh!" singit din nung isa

Hala...

Unti-unti na silang nagkakagulo. Parang palengke na ang ingay dito na kabaligtaran nung kanina. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga nasasaksihan ko. Parang mga batang nagtatalo at nang dahil pa talaga sa akin? Seryoso sila?? Hindi naman siguro. Pero ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi >///<

Nilingon ko si Shitsui. Nakatingin lang sya sa mga gangmates nya. Ewan, hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak nya. Blangko parin kasi ang ekspresyon ng kanyang mukha, as always.

"KATAHIMIKAN!" bigla nyang sabi

Sa isang iglap, tumahimik ang lahat. At ulit, lahat ng mata ay nakatutok sa amin

"Pasensya na lang. Wala akong balak na pakawalan ang babaeng ito. AKIN LANG SYA" sabay akbay sa akin

Matagal akong hindi nakakibo. Syempre, hindi ko inaasahang sasabihin nya yon

Pero ayoko namang umasa. Alam kong nasabi lang iyon ni Shitsui upang inisin ang mga myembro nya dahil sa pagbibigay sa kanya ng hamon na ligawan ako. Mukhang nagtagumpay naman sya dahil puro dismayadong mukha ang nakita kong rumehistro sa itsura ng ibang myembro.

Ngayon, sa akin nanaman sila seryosong nakatingin. At dahil hindi ko na alam kung ano ang magiging reaksyon ko ay ngumiti na lang ako sa kanila

^_________^?

"WOW! KILLER SMILE!"

"Yan si ms.beautiful! Hahaha" Takumi

"Sorry na lang mga pare, taken na ang crush ninyo"

"Pareng Miyata at Pareng Takumi, ba't di nyo sinabing sya pala si Hannah Kitari? Sayang!"

"Simple lang pero ang ganda! BOSS, MAKIPAG-BREAK KA NA!!"

Ano bang tumatakbo sa utak ng mga ito?? Akala ko pa naman kanina ay ang titino nila >///<

"Ehem...Hi ms.Hannah, ako nga pala si Rio" sabi ng lalaking papalapit sa akin

"H-hi din Rio..." sagot ko na lang

"Para sa akin, ako ang 'CRUSH NG BAYAN' at ikaw naman ang 'CRUSH NG GANG' kaya bagay tayo" Rio

"H-huh?" shocked naman ako

Nakita ko pang pilit nyang binubunot ang suot na singsing. Ano namang gagawin nya sa singsing na yan? Mukhang nahihirapan syang magtanggal dahil pinagpapawisan na sya

"Ayan nanaman sya, sinumpong ng topak" narinig kong sabi nung isa

"Shaddap" si Rio, pilit paring tinatanggal ang singsing

"Masanay ka na dyan kay Rio, ms.beautiful"

"Oh yeah! At last haha" Rio. At mukhang proud na proud pang ipinakita ang nabunot na singsing

Teka, anong gagawin ng Rio na ito? Bigla ba namang lumuhod sa harap ko

O_o?

"Marry me my lady---"

*PAKKK!!!*

"Baliw!" binatukan lang naman sya ni Shitsui

Isa-isang nagpakilala ang mga myembro ng gang. Hindi ko nga alam kung mga gangsters talaga ang mga ito e, wala sa mga kilos. Parang puro kalokohan lang kasi ang nasa isip. Pero nice naman silang lahat. Mababait din sila sa akin pwera lang sa leader nilang leon

----

Pauwi na nga kami ngayon ni Shitsui at kasalukuyang naglalakad papuntang main gate.

Nauuna sya at sinadya ko ring magpahuli upang mapagmasdan syang maigi. Hindi ko namalayang huminto pala sya kaya nabangga ko tuloy sya sa likod

"N-naku, pasensya na... Ba't ka huminto?" ako

"Pakiramdam ko kasi, ang lagkit ng titig mo sa akin" sabi nyang hindi parin lumilingon

"A-ano? H-hindi ah! Anong mapapala ko sa pagtitig sayo?" palusot ko. Grabe, ang lakas ng pakiramdam

Nagkibit-balikat na lang sya at itinuloy ang paglalakad.

Nasa labas na kami ngayon para maghintay ng taxi nang makita ko sina Jenny at Yuuki. Saan kaya sila pupunta? Tinawag ko sila, kumaway naman sila sa akin at lumapit. Nag-alanganin pa sila nang mapagsino ang taong kasama ko

"Saan kayo?" tanong ko sa kanila

"Manonood ng sine, sama ka?" Jenny

"Hindi na muna siguro. Baka gabihin ako at pagalitan" ako

"Kahit na horror movie ang panonoorin namin?" Yuuki

"H-horror???" saglit akong nag-isip. Nahuli nila ang kiliti ko ah "Sige! Ahh... Tatsumo, mauna ka na lang ha. Sa kanila na ako sasabay" sabay ngiti

Alanganing ngumiti din ang dalawa kay Shitsui.

Saglit niya kaming tinitigan tatlo

"B-bakit?" ako. Parang nag-aalanganin pa syang payagan ako ah... Huwag naman sana

"Lugi ako kaya sasama ako" sya

"Whaat???"

Memories BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon