# 27 IS THAT HIM??

83 3 4
                                    

Hmmm, dedicate kay secret hehe^^V Oo ikaw nga! haha  tnx tnx s una kong frend dito sa watty., kay aesa? tama b kaibigan? haha <3 you ;**

------

*Kinabukasan, sa loob ng classroom*

"Tatsumo, salamat nga pala ha" bungad ko kay Shitsui

"Para saan?" sya

"Kahapon, tinawagan mo pala sila Takumi.." ako

"Hay... Alam kong makakapaglakad ka dahil naiwan mo ang wallet mo, heto" sabay abot ng nya ng wallet ko

"Buti na lang at ikaw ang nakapulot! Salamat, salamat talaga!" ako

"Masyado kang careless" at ibinalik na nya ang tingin sa labas ng bintana

"Heheh, alam ko namang nag aalala ka rin sa akin, Tatsumo" ako

"Mangmang. May sinabi si Takumi sa akin, may mga adik daw na muntik ka nang gawaan ng masama?" sya

"Ah.. Iyon ba? Naku, wala yon---"

"Sumama ka sa akin mamaya. Pupunta tayo doon" sya

What?? Naku, siguradong gulo ito

"H-huwag na, napuruhan naman sila ng mga gangmates mo kaya siguradong hindi muna iyon makakatambay" ako

"Sinaktan ka ba nila?" grabe din ah, ang daming tanong

Pero kinakausap na nya ako! Yeey! \(^.^)/

"Sagot!" sya

"H-ha? O-oo--" nagulat naman ako O_O

"Ano?!" sya

"Este wala. Paano kung sinaktan nga nila ako?" ako

"Pupuntahan ko sila"

Huh? Sinabi niya yon?  *____*

Gusto kong ma-touch

“T-talaga? G-gagawin mo iyon para sa akin?” hindi makapaniwalang tanong ko

“Pupuntahan ko sila para pasalamatan” at ibinalik nanaman niya ang tingin sa labas

Psh, kainis… Ok na sana eh, matata-touch na ako T_T

“A-ang totoo nyan… Napilayan talaga ako…” ako

“H-ha? S-saan? Masakit ba?” hindi rin sya OA magreact noh haha

 Pero wow, first time kong makita sa blangkong ekspresyon ng mukha niya ang pag-aalala

“Uto-uto, naniwala ka naman” pang-aasar ko na lang sa kanya. Hindi naman totoong napilayan ako^^

Mukhang ngayon din niya na-realize yung reaksyon niya kaya medyo natigilan

“Mas lalo ka na. Nakisakay lang ako sa pang-uuto mo kaya mas uto-uto ka” ayan na nga, nagsuplado na ulit haha

-------

*TANGHALI*

Nandito ako ngayon sa loob ng library at seryosong nagbubuklat ng libro. Oo, seryoso >.<

Kanina ko lang kasi naalalang may assignment palang ibinigay sa amin kahapon. Huhu ang hirap naman nito, good luck na lang T_T

*BUKLAT*

*BUKLAT*

*BUKLAT*

*BUKLAT*

 *BUKLAT*

“Pwedeng tumabi kung ayos lang sayo?” sabi ng lalaking sa likod ko lang yata

“Ayos lang” sagot ko na sa aklat parin nakatutok

“Busy? Mukhang marami-rami yan. Baka kailangan mo ng tulong” naupo na nga ito sa tabi ko

“Salamat pero kaya ko itong mag-isa” kahiya naman kung magpapatulong ako

“Owwwssss? Ikaw ba talaga yan Kitari?”

O______O

Natigilan ako at napalingon sa lalaking katabi ko

Ako -------------- yung lalaki

? (.OO) ---->

“T-Tatsumo??” kaya pala pamilyar ang boses

“Akin na nga iyan, ako na ang gagawa” sabi pa niyang nakangiti, SA AKIN?

“H-ha?” yun lang ang lumabas na sagot sa bibig ko. Hindi lang talaga ako makapaniwala, sinasapian ba ang lalaking ito?

Natapos ni Shitsui nang walang kahirap-hirap ang assignment pero nakatulala lang ako. Totoo ba ito?

“Anong nangyari sayo?” tanong niya na nagwave-wave pa ng kamay sa harapan ng mukha ko

“H-Hindi ba dapat ay ako ang magtanong nyan? Ano ang nangyari sayo Tatsumo? Nakakapanibago ka” ako

“Wala namang nagbago sa akin ah. Alam mo, ang cute mo pala talaga pag sa malapitan” sabi nyang nakangiti parin

Nagblush ako sa sinabi niya. Siya lang naman itong gusto kong magsabi non sa akin na maganda o cute ako at hindi ko aakalaing magkakatotoo yon^^

“Ngayon ko lang napansin, maganda rin pala ang baby ko ^^” sya

B-Baby ?? Hindi ko alam, kikilabutan ba ako?

“May pupuntahan pala tayo mamaya” at tumayo na siya

“Hoy Shitsui, tara! Bilisan mo!” tawag ni Takumi. Nandito rin pala sila?

“Wow, nagresearch din sila?” ako

“Asa ka pa, tumingin lang yang ng mga magazines. Paano, hinihintay na nila ako. Maiwan na kita”

“O-oo------“ *TSUUUP*

O-Oh My….

Hinalikan niya ako sa pisngi!

“Magpahinga ka na, solve na ang mga assignments” sabay gulo sa buhok ko

Alam ko, ang mga mata ng estudyante sa paligid ay dito nakatingin sa amin at kunwaring nagbabasa lang >/////<

Pero nakakapanibago talaga. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Ano ang nakain niya at biglang-bigla na lang nagbago ang trato nya sa akin? At ang nakakagulat, hinalikan nya ako sa pisngi nang walang pag-aalinlangan >///<

At teka, bumalik pa sya dito

“O, b-bakit?” tanong ko

Itinuro nya ang kanang pisngi

“Ano naman yan?” ako

“Kiss ko, saan?” sya

WHAT????

Nakakashock na talaga. Baka nananaginip lang ako at naidlip kanina habang  binubuklat ng mga librong ito

Memories BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon