#36 FAREWELL

40 2 0
                                    

Hannah:

Paakyat na ako ng hagdanan papunta sa classroom pero pakiramdam ko eh lutang ang isip ko. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa mga sinabi ni Shitsui nitong mga nakaraang araw. Hindi ba’t nagets ko naman talaga? Obvious naman sa mga sinabi niya na gusto niyang kilalanin ko ang bagong katauhan niya ngayon.. Di ba parang ganon iyon? Ano ba kasi ang gusto niyang iparating?

Ang gulo talaga….

At saka nakapagtataka din ha, lumampas na kami ng isang linggo pero hindi pa rin siya nakikipaghiwalay. O baka… kumukuha lang siya ng tyempo. At bumait siya sa akin dahil baka tanggap na niya ako kahit bilang isang kaibigan lang. Ang sakit ah? Pero ok lang, at least ay binibigyan pa rin niya ako ng pansin. Infairness, ang sweet niya, para talagang girlfriend ang turing niya sa akin. Alam ko, trip lang niyang pangatawanan yung hamon ng gangmates niya. Pero minsan, hindi ko maiwasang maramdaman na bukal sa kanyang loob ang kanyang ginagawa at ipinapakitang effort. EFFORT? Teka, hindi kaya masyado naman akong assuming? Haha

At dahil nga sa malalim kong pag iisip eh huli na nang mapagtanto kong ma-a-out of balance na pala ako sa hagdan kaya pumikit na lang ako at hinihintay ang pagbagsak ko. Pero may naramdaman akong kamay na alertong nakasalo sa akin. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nakangiting mukha ni Rui

“R-Rui!” nakangiti ko ring tawag. Kinabahan talaga ako kanina kaya napahawak ako sa aking dibdib

“Hindi ka talaga nag-iingat Hannah^^”

“Ehehehh.. S-salamat…” at hinihintay kong ibaba niya ako pero mukhang wala pa siyang balak “M-maaari mo na akong ibaba..”

“Haha. Oo nga pala” at saka pa niya ako ibinaba

“Long time no see ah? Ba’t hindi na kita masyado nakikita Rui?”

“Hmm.. Marami kasi akong inasikaso”

“Ganon ba” at ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya “Tara, sabay na tayo”

“T-teka Hannah, maaari ba tayong mag- usap?”

“Huh? S-sige..” parang seryoso ang pag- uusapan naming ah

----

Sa rooftop ako dinala ni Rui at kaming dalawa lang ang tao. Nilingon ko ang katabi ko, mukhang kanina pa siya tahimik

“Rui…” tawag ko pero parang hindi ako narinig. May problema siguro ang kaibigan kong ito “R-Rui… Hello?” at ni-wave wave ko pa ang kamay ko sa harap ng mukha niya

“A-ah pasensya ka na Hannah hehe.. ifini-feel ko lang kasi ang moment na ‘to” at suminghap siya ng hangin saka ngumiti

“Moment? Mukhang ang weird mo ngayon ah? Pati suot mo, hindi ka rin naka-uniform”

“Bagay ba?” at kunwari ay modelong umikot pa siya para ipakita ang porma niya ngayon. Hehe parang baliw pero infairness, kahit ano ang isuot ng lalaking ito ay bagay pa rin sa kanya. Simpleng t-shirt lang naman ang suot niya at naka-maong pants.

“Kahit school uniform pa ang suot mo, ok na ok!” sabay thumbs up sa kanya

“Yan ang gusto ko sa’yo eh” at pinat niya ang ulo ko. Wow, parang pet lang

“Ahh… Tungkol saan nga pala ang pag-uusapan natin Rui?”

“Tungkol saan nga ba….”

“Huwag mo sabihing nakalimutan mo?”

“Ehehehe… Hindi naman. Nag iisip lang ako ng magandang introduction” nilingon ko siya. Nakatanaw lang siya sa ibaba na para talagang nag iisip

Memories BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon