Part 2 ng #4

89 3 0
                                    

“O hayan, nakangiti ka na” sabi nya. Nakangiti rin sya.. isa pa ito sa mami-miss ko

“Shitsui, mangako kang sa pagbabalik ko ay hindi ka magbabago ha? Walang magbabago”

“Pangako..” sincere nyang sabi

“Sa ngalan ng kwintas natin?” ako

“Oo naman!” nakangiti pa ring wika nya

“Hmmm.. Alam mo, napansin ko lang ha. Bukod sa mga friends mong lalaki, parang ako lang ang kaibigan mong babae ah? Hindi mo man lang tinatapunan ng pansin yung mga babaeng nagpapapansin sayo. Ang gaganda kaya nila. Hindi ka rin KJ noh?” iniba ko na lang ang usapan, ayokong pareho kaming malungkot

“Hindi ba’t ikaw rin ang may sabi na we’re the same? Magka-level tayo at ikaw lang ang nakakaalam na may pagkabobo din ako. Talo kasi ako ng mga english mo non haha”

“Tseh! Loko ‘to. Pwede bang wag mo nang ipaalala yon?” nakakahiya kaya >///<

“Hahaha!” aba! Nang-aasar talaga!

“Hindi ka pa titigil?” kunwari ay pinatalim ko ang tingin ko

“Ok, ok titgil na kaya wag nang magalit mahal kong prinsesa haha. Peace na tayo?” sya

“Treat mo muna ako” wala, gusto ko lang maglambing sa bestfriend ko. Gusto kong sulitin ang mga oras na magkasama kami

“Ang daya. Ikaw nga itong aalis na eh. Kaya ikaw ang manlibre” biro nya sa akin

“Hmp! Kuripot ka lang” pang aasar ko naman

“Haha. Teka, may sasabihin ako sayo. May hindi ka pa nalalaman tungkol sa akin” may ititnatago ba itong sikreto?

“Talaga? Ano yon?”

“Alam mo bang…. Nagiging bobo ako pagdating sayo?”

“Anong ibig mong sabihin?” hindi ko gets

“Haha. Halika na nga, pasyal naman tayo! Sulitin natin ang time na magkasama tayo Hannah” at hinawakan nya ang aking kamay sabay hila

O_O

>///<

O_O

Alam nyo, sa ilang buwang magkasama kami? Ngayon lang nya hinawakan ang kamay ko kaya nagulat ako. Naglalakad kami ngayon na magkahawak ang kamay

“Nanlalamig ang kamay mo” sabi nya

“H-ha?” pero totoo, nanlalamig talaga. Iba din kasi sa pakiramdam. Yung parang halo-halo na ang emosyong nararamdaman mo habang hawak nya yung kamay mo?

“Siguro ay ako pa lang ang unang lalaking nakahawak ng kamay mo, ano?” Wahhh tumpak! Namula naman daw ang pisngi ko eh >///<

Bigla kong binawi ang kamay ko sa kanya pero kinuha nya ulit at mas hinigpitan lalo ang pagkakahawak. Hinayaan ko na lang sya

“S-salamat pala sa lahat Shitsui” ako

“Para saan?”

“Sa lahat. Sa pag-iintindi mo sa akin at pagiging totoo kong kaibigan. Alam mo, kung ibang tao lang siguro ang makakarinig ng pag-e-english ko? Siguradong pagtatawanan ako. Pero ikaw, sa kabila ng pagiging matalino mo? Pinagtatawanan mo pa rin ako” >.<

“Baliw!” natatawang sabi nya

“Nagpapasalamat din ako kasi, umi-improve na ang grades ko sa tulong mo at matyagang pag-tu-tutor mo sa akin…” naiiyak nanaman ako

“Syempre, ganyan ang totoong magkaibigan”

*****

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang tawagin ako ni mama

“Bakit po ma?” ako

“Tapos ka na bang mag-impake ng gamit mo?” mama

“Opo!” ako

“O sige, matulog ka na, ha? Maaga pa tayo bukas”

***Kinabukasan***

Sumama si Shitsui para ihatid kami. Nasa airport na kami ngayon.

“Hannah, wag kang makakalimot ha?” sya

“Ang drama mo, alam mo yon? Ba’t ko naman kakalimutan ang pinakamamahal kong kaibigan huh?” kung alam mo lang Shitsui… Gusto na kita..

“Hannah bilis! Baka maiwan tayo!” si mama talaga oh T__T

“Opo!” nilingon ko si Shitsui “Paano, aalis na ako.. mag-iingat ka palagi ha?”

Tumalikod na ako sa kanya

“Hannah! Sandali…”

Nilingon ko sya, papalapit na sya sa akin “Bakit Shitsui?”

“Ah… muntik ko na kasing makalimutang ibigay ito sayo” inabot nya ang isang sobre “Mamaya mo na lang basahin” parang nahihiya pa sya ah

“Para saan naman ito Shitsui?”

“Ah.. W-wala lang hehe” may ganon? Ito talagang bestfriend ko oh

“ O sya, aalis na ako. Tandaan mo yung usapan natin ha? Walang magbabago”

At tumalikod na ako pero sa aking pagkagulat, hinabol nya ako at biglang niyakap mula sa likod

“Shitsui…”

“Hannah, hayaan mo na lang muna akong gawin ito.. Alam mo, mami-miss kita ng sobra… Kung may karapatan lang sana akong pigilan ka ay ginawa ko na!”

Teka….

Umiiyak ba ito? Umiiyak nga sya! First time ko syang nakitang ganito… Pati ako, naiiyak na rin..

“Tahan na, ayokong nakikita kang umiiyak. Lalo na ngayong magkakahiwala na tayo…”

Pero tahimik pa rin syang umiiyak

“Magkikita pa naman tayo noh!” pagpapagaan ko sa loob nya. Pinakita ko yung binigay nyang kwintas “Nakikita mo ‘to? Iingatan ko itong mabuti dahil alam kong tanda ito n gating pagkakaibigan. Habang suot-suot ko ito, parang nasa tabi lang kita. Palagi kitang maaalala kaya ingatan mo din yang kwintas mo ha..”

Tumango lang sya

*****

Nasa loob na kami ng eroplano. Curious ako sa nilalaman ng sulat na binigay nya. Heto at hawak-hawak ko. Bakit kelangang sa sulat pa sabihin at hindi na lang harapan? Binuksan ko na ito at binasa

***ANG LAMAN***

Hannah,

                Alam kong magtataka ka dahil sumulat ako sayo. Gusto ko lang sabihin sa pamamagitan nito ang bagay na matagal ko nang itinatago. Hannah, mahal kita! Noong una pa man ay kakaiba na ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ko lang masabi-sabi dahil nangangamba akong baka mag-iba ang tingin mo sa akin at iwasan ako. Pero totoo, sobra kang mahalaga para sa akin. Ingat ka lagi, ha. Sana ay huwag mong kakalimutan ang bestfriend mong minahal ka ng higit pa sa kanyang sarili. Pangako, walang magbabago..

                                                                Shitsui

Bigla kong nabitawan ang sulat. Hindi ako makapaniwala, pareho lang pala kami ng nararamdaman ng bestfriend ko! Totoo ba ito? Mhal din nya ako? Hindi ko inaasahang sa kanya mismo manggagaling ang katagang iyon!

Nagkakamali ka Shitsui… Kung alam mo lang… Kung alam mo lang sana….

Lumipas ang mga taon….

Itutuloy ulit…..

Memories BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon