# 23 As in??

63 2 0
                                    

Hannah:

Tapos na yung movie kaya palabas na kami ngayon^__^. Ang ganda talaga non. Akalain nyo yun, napasigaw din ang gang leader na si Tatsumo haha, wrong timing nga lang

"Ako ba ang pinagtatawanan mo?" tiningnan ko ang nagsalita, si Shitsui pala. Grabe ang tingin nya, nakakamatay. Nakakatakot talaga minsan ang mood nya

"Hindi nuh, tumatawa ba ako?" ako

Imbes na sumagot ay inis na nagpatiuna na lang syang naglakad sa amin

"Hannah, may pagka-weird din pala yang boyfriend mo" bulong sa akin ni Jenny

"Sinabi" natatawang sagot ko

"Mag-iingat ka parin sa kanya Hannah" Yuuki

"Infairness ha, sya ang nagbayad sa ticket natin at nanlibre ng pamasahe" Jenny

"Himala nga eh, samantalang nung first date namin..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko, nakakahiya kaya yung nangyari na yon >.<

"Bakit, ano bang nangyari non?" Yuuki

"At saka girl, curious lang ako ha. Seryoso ba si Tatsumo sayo? Eh sa nakikita ko sa mukha nya mula kanina ay hindi man lang sya ngumingiti. Parang iritado?" Jenny

"Oo nga Hannah, alam naman naming imposible na ngumiti sya pero kahit papaano ay makikita mo talaga sa tao kung inspired sya lalo na at kasama nya ang taong mahal nya" Yuuki

"Ganon lang talaga sya. Kumbaga, hindi lang sya showy" sagot ko na lang. Hindi ko pa kasi nasasabi sa dalawang ito ang tunay na dahilan kung bakit naging kami ni Shitsui

"Hoy, bilisan nga ninyong maglakad dyan?" iritadong tawag sa amin ng Leon. Psh, kung maka-hoy naman

******

Ilang araw din ang lumipas. Ganon parin ang takbo ng aming relasyon, hindi sweet. Magkasabay nga kami sa pagpasok at pag uwi pero kadalasan naman ay nag-aaway. Ewan, nakakainis na nakakatawa. At dahil sa pag-iisip ay hindi ko na namalayan ang biglang paghila nina Jenny at Yuuki sa akin palabas ng classroom

"T-teka, saan nyo ako dadalhin? At ba't ganyan ang mga mukha nyo?" parang kagagaling nila sa pagtakbo e. Hingal na hingal kasi

""H..huwag kang..maingay, ang boyfriend mo... Mukhang may kasagutan doon sa bodega at siguradong..away na yon!" Jenny

"Ano?!" ako

"Nagkataon kasing..napadaan kami don at...may narinig kaming.. Kaming nag-uusap" Yuuki

"Sige na girl, puntahan mo dahil siguradong magiging kawawa yung taong kausap ni Tatsumo"

"Sige, sige..." ako

Dali-dali kong tinungo ang bodega. Pagdating ko ay hindi muna ako pumasok. Nakiramdam muna ako kung may tao at may naririnig nga akong nag-uusap. Halos magsigawan na nga e. Parang kilala ko ang boses ng kasagutan ni Shitsui, si Rui!

"Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang dinidiktahan ako sa mga ginagawa ko at alam mo yon!" Shitsui

"Shitsui, damdamin na ng iba ang nakasalalay sa mga kalokohan ninyo!" Rui

Kalokohan? Ano kaya yon?

"Naging manhid ka na ba talaga? Alalahanin mong naging magkaibigan din kayo noon tapos ngayon ay sasaktan mo lang sya?" Rui

"Nagpapatawa ka? Gagawin ko kung ano ang gusto ko!" Shitsui

"Sumusobra ka na! At bilang nakakatandang kapatid ay responsibilidad kong turuan ka ng tamang pag aasal!!" Rui

Matagal na hindi ako makakilos sa mga narinig ko. K-Kuya? Magkapatid sila???

Teka, ano na ba ang nangyayari sa loob? Nakakarinig ako ng mga kalabog! Pumasok na ako at tumambad sa harap ko ang pagpapalitan ng suntok ng magkapatid na kani-kanina ko lang nalamang magkapatid. Sandali akong natulala sa nasasaksihan at nang mahimasmasan ay agad akong pumagitan sa kanila. Pareho pa silang nagulat nang mapansin ako. Mukhang si Rui ang nahirapan dahil napaupo na sya sa sahig samantalang si Shitsui naman ay nakatayo lang

"R-Rui, ayos ka lang?" at agad akong lumapit sa kanya. Pinunas ko ang dugo sa gilid ng kanyang labi gamit ang aking kamay. Tinulungan ko syang makatayo samantalang si Shitsui naman ay matalim na nakatingin sa amin at biglang kumilos palabas

"Magsama kayong dalawa!" Shitsui

"S-Shitsui--" ako

"Tatsumo!" pasigaw na

sagot naman ni Shitsui. Putek, hindi ko alam kung matatawa ako o hindi. Sa sitwasyo ba namang ito ay nakuha pa nyang itama ang pagtawag ko ng Shitsui? Tsk

Akmang susundan ko sya pero pinigilan ako ni Rui

"Please.. Dito ka lang muna" Rui

Wala akong nagawa. Umupo sya mismong sa sahig. Naupo na rin ako malapit sa kanya. Katahimikan ang pumapagitan ngayon. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula ng sasabihin ko. Nilingon ko si Rui, ngayon ko lang sya nakitang nagkaganito. Hindi talaga ako makapaniwalang magkapatid sila. Pero ngayon ko lang napansin, kaya pala may kamukha sya. Ngayon ay alam ko na kung sino ang kahawig nya, si Shitsui. Ang slow ko talaga e matagal na kaming magkaibigan ay ngayon ko pa lang napansin. Kaya pala walang pag-aalanganing Shitsui ang tawag nya sa kanyang kapatid

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo?" basag ni Rui sa katahimikan dito. Nakangiti na sya ngayon

"A-ahh... W-wag ka sanang magagalit ha, Rui? Ang totoo nyan ay n-narinig ko ang usapan ninyo kanina..." baka isipin nya, tsismosa ako

"Kung ganon ay alam mo na pala" nakangiting sabi nya na hindi nakatingin sa akin

Memories BlossomWhere stories live. Discover now