# 30 TROUBLE

58 1 2
                                    

Nakalapit na sila sa akin pero patuloy pa rin sa pagbubulungan

"Mag-isa ka lang, Miss?" taas ang kilay na tanong ng isa sa kanila.

At yung mga tingin nila, hindi ko gusto. Tingnan ka ba naman from head to toe? Wow! =.=

"Saang school ka galing?" tanong nung isa

"Sa Hino High School" ako

"Sa itsura mong yan? Alam mo, hindi ka bagay sa ganoong school. Sa cheap na school ka lang dapat hahaha" sabi naman nung isa na pula pa sa sili ang lepss

Nagkunwari na lang akong walang naririnig. Topak yata ang mga ito, tss

"Hoy! Kinakausap ka namin!"

"Ako ba?" pagmamaangan ko

"Hindi mo ba alam na students kami ng Renuke High? So isa lang ang ibig sabihin non, sikat kami. Kaya pwede ba umalis ka dyan?" maarteng sabi naman ng isa

"Bakit ako aalis?" tanong ko sa normal na boses. Ayoko ng gulo

"Aba girls! Lumalaban ah. Hey, this is our teritory at panira ka lang ng view dito" nagngingitngit na sabi naman ng isa. Tinanong ko lang, pikon na? Haha

"Sino ba kayo?" tanong ko. Medyo naiirita na rin ako sa kaartehan ng mga 'to eh

"Walang-wala ka sa amin. Kami lang naman ang grupong kinahuhumalingan ng lahat!" ok -.-

"Ahhh..." sagot ko na lang. Ayoko nga umalis. Lumingon ako sa ibang direksyon na parang wala nang kausap

"Hoy! Nakikinig ka ba sa amin???"

*SWOOOOOOOOSHHH!!!* --- Ay putek! Nagulat ako don ah. Napatayo tuloy ako

Binuhusan lang naman nila ako ng hawak nilang softdrink!

"Sumusobra na kayo ha! Kilala nyo ba kung sino ang binabangga nyo?!" ubos na ang pasensyang sabi ko sa kanila, asar

"Umalis ka na lang kasi. Baka gusto mo pang tumawag kami ng mga lalaki dito para kaladkarin ka"

Payabangan ata 'to eh

"Sige, subukan nyo" at ngumiti ako ng nakakaloka

"Sino ka ba sa inaakala mong babae ka ha!" sabay tulak sa akin

Kelangan ko munang ikalma ang sarili ko

*hingang malalim*

"Ako lang naman si Hannah Kitari, ang REYNA NG VARSITY GANG!"

(0_0)(0_0)(0_0)(0_0)(0_0)

Yan, iisang reaksyon lang sila

........

........

.......

.......

And after a while...

Humagalpak lang sila ng tawa T_T

"Patawa ka? Hahaha nice joke. Narinig na namin ang tungkol sa gang na yan at oo, nakakatakot nga sila pero ikaw? Napakalaking IMPOSIBLE, isa kang ambisyosa!"

Pagkatapos naman ay binangga ako nung isa at naupo sa kinauupuan ko kanina, takte lang

"Tumabi ka kasi sa dinaraanan namin! Girls, upo na kayo dito"

Nanatiling nakatayo lang ako. Kanina pa talaga ako nagpipigil at gustung-gusto ko nang upakan ang mga ito pero nga, ayoko ng gulo di ba? Tsk

Ilang sandali pa at nakita kong nagbubulungan ang mga malanding 'to at nakatingin kung saan. Parang kinikilig? Tiningnan ko ang tinitingnan nila, si Shitsui pala na papalapit dito. Tumayo ang isa sa kanila at lumapit kay Shitsui

"Hi cute! What's your name? Gwapo mo ah" at tiningnan lang ito ni Shitsui

"Kitari, mga kaibigan mo? Ba't sila lang ang nakaupo at ikaw ay nakatayo lang dyan?" lingon ni Shitsui sa akin

"Halika! Upo ka dito sa tabi namin! Hihi" hila naman ng isa kay Shitsui

Kinabahan ako para sa mga babaeng ito, di basta-basta nagpapahawak si Shitsui eh O__O

"Umalis na tayo dito" at hinila ko sya sa braso

"Hoy!" sabay palo ng babae sa kamay ko "Sino ka ba ha? FC ka"

Hindi nakaligtas sa paningin ni Shitsui ang ginawang pagpalo ng babae sa kamay ko kaya lumayo siya sa mga babae

"Hindi mo pala sila kaibigan?" kunot-noong tanong nya

Umiling na lang ako "Tara, doon na lang tayo"

"Epal mong babae ka ah, katulong ka siguro? Nakikita mo bang ayaw pa ng amo mo??" at hinila ang braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak kaya syempre nasaktan ako. At dahil don, hindi ko na talaga ito matitiis pa!

*BOOOOOOGGG!!!*

Inupakan ko na ang babaeng ito. Straight sa ilong at mukhang napalakas ata konti (0_0) dumugo eh

"Aray...A-ang ilong ko huhuhu...H-Ha? Dugo? Walang hiya kang babae ka!!"

"Gwapo, sampalin mo yang katulong mo. Gawin mo para sa amin at may makukuha kang gantimpala" sabi ng isa kay Shitsui

"Para kang ngising kambing dyan! Ako ba inuutusan mo?" sabay turo ni Shitsui sa sarili "At sino naman kayo para paniwalaan ko ha? Ang lakas ng loob nyong sabihan ng katulong ang aking Reyna eh kayo nga itong nagmumukhang alipin kumpara sa kanya?"

Balak sanang ihampas ni Shitsui sa mga babae ang hawak na icecream at buti na lang ay naging maagap ako. Ako na ang natatakot para sa kanila dahil hindi magdadalawang isip si Shitsui na ipahiya sila

May mga parang adik na mga lalaki ang lumapit sa amin

"Hoy, ang angas mo ah. Akala mo kung sino ka dyan para pagsalitaan ng ganyan ang magagandang mga miss na 'to ha!" sabi ng isa

"Walang modo! Tara mga dre at turuan natin ng leksyon ang mayabang na 'to!"

"Yan! Ganyan nga! Isali nyo na rin ang babaeng yan na sumuntok sa ilong ko!"

Ngumiti lang si Shitsui "Ito ang gusto ko :)"

"Shitsui, huwag na!!"

Lahat ay natigilan

Memories BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon