# 18 THE DECISION

71 2 0
                                    

***KINABUKASAN***

Buong araw kong hindi nakita si Shitsui maging yung dalawang kasama niya kaya laking pasalamat ko. Kung pwede ko nga siya iwasan araw-araw para hindi lang magkrus ang landas namin eh talagang gagawin ko. Ngayon, papunta na ako sa paradahan ng school bus. Para akong ninja, nakikiramdam at patago-tago habang naglalakad. Mahirap na noh, baka magkita kami. Ang totoo nyan, nakapagdesisyon na ako pero hindi pa ako handa sa araw na ito

“Hannah!”

&@#%$!! Nagulat ako don!

Nilingon ko kung sino yung tumawag sa akin at nakahinga ako ng maluwang. Si Rui lang pala hoooh! Eh parang boses ni Shitsui yung pagkakarinig ko e. Paranoid na talaga ako at saka oo pala, hindi ako tinatawag ni Shitsui sa pangalan ko

“Oh Rui!” ngumiti ako sa kanya

“Anong nangyari sayo? Para kang wanted dyan, may pinagtataguan ka ba?” lumapit siya sa akin

“W-wala ah, nagpapractice lang hehe” palusot ko

“Practice?” siya

“O-oo, practice para sakaling may stalker pala ako eh makapagtago ako ng mabuti para di ako masundan haha”

“Ah.. pwede ba kitang makausap Hannah?” biglang seryoso niyang tanong

“S-sige” parang kinabahan ako don

Sa may school fountain kami pumunta ni Rui, malapit lang kasi sa paradahan ng bus. Sa gilid kami naupo

“Alam kong nagsimula na siyang manligaw sayo..” simula niya

“H-ha?” nagulat ako sa sinbi niya, paano niya nalaman?

“May sasabihin ako Hannah”

Ikinuwento ni Rui sa akin yung mga narinig niyang usapan nila Shitsui sa gang room. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kaya ngumiti na lang ako.

“Sabi na nga ba’t may dahilan kaya niya ako minamadaling sagutin siya” ako

“Anong balak mo? Rui

“Nakapagdesisyon na ako. Sa mga sinabi mo ngayon, napatunayan kong tama ang aking hinala. Hindi niya ako basta-basta liligawan nang walang dahilan” ako

“Sasagutin mo siya?” Rui

Tumango na lang ako. Bahala na kung ano ang kahihinatnan ng lahat..

“Ikaw lang ang masasaktan Hannah” Rui

“Huwag kang mag-alala Rui, alam ko ang ginagawa ko. Nabuhayan ako ng pag-asa at alam kong ngayon na ang tamang pagkakataon. Ibabalik ko ang dating Shitsui”

“Naiintindihan kita. Kung may problema, huwag kang mahiyang lumapit sa akin. Ipagtatanggol kita kay Shitsui” ramdam ko ang sinseridad sa boses niya

“Salamat sa Rui, tunay ka talagang kaibigan! Oh paano, mukhang paalis na ang bus. Mauna na ako” at tinapik ko siya sa balikat

“Sige, ingat sila sayo!” nakangiting sabi niya

“Tseh!”

**********

*DING DONG DING DONG!!*

Ang tagal namang magbukas ni mama…

*DING DONG DING DONG!!*

(Bumukas ang gate)

“Oh, nandito ka na pala iha” nakangiting bungad ni mama sa akin

Humalik muna ako sa pisngi ni mama “Si Papa?”

“Nasa loob” Mama

Dumeretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Sumunod naman si Mama

Memories BlossomWhere stories live. Discover now