# 22 Whoah!

64 2 0
                                    

SHITSUI:

Naglalakad na kami ngayon papunta sa main gate. Akalain nyo, ang dami palang nagkakacrush na mga miyembro ko sa babaeng ito? Ang cheap nila, tsk. Pero ok na yon, nakabawi naman ako kanina. Para kasing binagsakan sila ng asteroid sa ekspresyon ng mukha nila nang dahil sa sinabi kong wala akong balak na pakawalan ang babaeng ito. At naniwala naman sila, mga uto-uto talaga kahit kelan. Kasalanan nila si Kitari ang pinili nilang ligawan ko

Bigla akong napatigil sa paglalakad. Iba ang pakiramdam ko kanina pa e. Parang may mga matang sobra ang pagkakatitig sa akin. At alam ko, nagmumula yon sa likod ko

*BOOOG!!*

Tulala siguro habang naglalakad ang babaeng ito? Bumangga lang sya sa likod ko

"N-naku, pasensya na... Ba't ka huminto?" Kitari

"Pakiramdam ko kasi, ang lagkit ng titig mo sa akin" ayoko syang lingunin. Ayokong masira araw ko

"A-ano? H-hindi ah! Anong mapapala ko sa pagtitig sayo?" sya

Nagkibit-balikat na lang ako at itinuloy ang paglalakad

Nang nasa labas na kami ay may biglang tinawag si Kitari. Dalawang babae ngayon ang papalapit sa amin, pamilyar sila

Sandali silang nag-usap

"H-horror???" narinig ko na lang na react ni Kitara. Exaggerated talaga ang babaeng ito, tss! "Sige! Ahh... Tatsumo, mauna ka na lang ha. Sa kanila na ako sasabay" nakangiting sabi nya sa akin

Alanganing ngumiti din ang dalawa

Ganon na lang ba yon? Iiwan ako ng Kitaring ito dito e kaming dalawa ang magkasama?? Dapat sabay din kaming uuwi! Baka iba ang isipin nyo ha. Panget lang talaga sa paningin ko ang ganun. Yun lang yun

Tinignan ko muna silang tatlo

"B-bakit?" tense na tanong ni Kitari. Akala siguro ay hindi ako papayag

Sige na nga, magbabait-baitan muna ako ngayon. Pero sasama ako

"Lugi ako kaya sasama ako" sabi ko na lang

"Whaat???" nagsabay pang gulat na tanong nila

"Si Tatsumo ba talaga yang kasama natin? Nakakapanibago ah" narinig kong bulong nung isa

Umiiling iling na lang ako. Mga babae talaga, sobrang magreact

------

Nasa loob na kami ng sine ngayon. Naupo na kami

(-.-)-(^^)-(^^)-(^^)

Ako-Kitari-Yuuki-Jenny

Ngayon ay alam ko na ang pangalan ng dalawa. Kaya pala pamilyar dahil kaklase ko sila

Nagsimula na ang palabas. Mukhang nakakatakot, sa music pa lang. Wala naman talaga akong balak manood. Sumama lang ako. Anong dahilan? Hindi ko rin alam, tss. Nung nasa kalagitnaan na kami ng palabas, syempre climax. Grabe na ang sigawan dito sa loob. Matatakutin siguro ang mga taong ito? Sana hindi na lang sila nanood. Hindi ba pwedeng manood ng tahimik lang? Ako lang yata itong walang reaction eh. At ang malala, binging-bingi ako sa tatlong magkakaibigang 'to

At itong si Kitari, hindi pa nakuntento at ang kwelyo ng damit ko pa ang pinagdiskitahan. Hinila lang naman nya kaya medyo nasasakal ako. Ang masakit pa, hindi pinalagpas ang buhok ko. Nasasabunutan na nya ako! Oo, masakit. Sya pa lang ang nakakapanakit sa akin ngayon

"AAHHHH!!!!" Kitari. Ayan nanaman, hinila nanaman nya ang kwelyo ng damit ko!

"ANO BA?!!" asar kong sabi sabay alis ng kamay nya "BA'T BA AKO ANG NAPAGTI-TRIP-AN MO! NAKAKASAKAL KA NA!"

Putek! Parang wala syang narinig, patuloy parin sya sa walang hanggang pagsigaw!

Sumipa ako sa sahig dahil sa inis. Naiiling na lang ako sa walang kwentang reaksyon nila at tahimik na ibinalik ang atensyon sa palabas

Nang saktong.....

"WHOOAAAHHH!!!!!"

shet, ako lang ata ang nagreact don? =.='

At ang nakakainis, parang nag-echo pa talaga sa loob ang boses ko. At ngayon, halos sa akin na nakatingin yung iba

Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha

(=////=)

Hindi naman kasi nakakagulat yung nakita ko pero ewan at ba't ako napasigaw don bigla, tss! Nahawaan na yata ako ng tatlong ito

Si Kitari, parang nagpipigil tumawa. Kasalanan nya 'to eh!

"Pupunta lang ako ng comfort room" sabay tayo

----

(Sa labas ng sinehan)

Ilang minuto din akong nakatayo dito. Hindi talaga sa CR ang punta ko, balak ko lang talagang lumabas

"Sinasabi na nga ba't hindi sa comfort room ang punta mo"

Nilingon ko ang nagsalita. Sinundan pala ako ng Kitaring ito

"Ano ngayon? Ba't ka nandito?" ako

"Maganda kaya yung movie, ayaw mong tapusin?" sya

"Ayoko, boring" ako

"Kawawa naman ang boyfriend ko. Ang sabihin mo, napahiya ka lang kanina" at hinila na nya ako pabalik sa loob

'Boyfriend' daw

Hindi na ako nakapagreact habang hinihila nya ako dahil sa salitang iyon na natuon ang isip ko

Wala na akong nagawa, sya ang nasunod ngayon. Kung tutuusin, magagawa ko kung ano ang gusto ko. Pero bakit ganon, napapasunod na lamang nya ako? Pwede naman akong umuwi na lang nang hindi nagpapaalam dahil hindi ko naman talaga ugali ang maghintay ng matagal

Haist! Maging ako ay naguguluhan na sa sarili ko!

********

Memories BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon