#34 FoodTrip

52 2 0
                                    

#34

(KINABUKASAN SA SCHOOL)

Andito ako ngayon sa loob ng aming classroom. Wala pa ang aming teacher kaya paupo-upo lang muna.. Ang boring. Wala pang gaanong estudyante. Hindi kaya napaaga lang ako? Pati sina Jenny at Yuuki ay hindi pa dumarating. At yung tatlo naman, baka di rin papasok. Mas mabuti na rin iyon.

Ewan, parang nahihiya ako kay Shitsui na naiilang pa rin kahit na minsan eh medyo close kami kuno (_ _)… at siyempre naiilang rin ako sa mga trato niya sa akin ngayon. Di ba, parang awkward din?

 Hahay… Makapaglakad-lakad na nga lang sa labas.

Akmang tatayo na sana ako nang may marinig akong mga boses. Parang papalapit sila at sigurado akong isa na siya doon kaya agad akong yumuko at nagkunwaring tulog sa aking desk. Huhu.. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Pagpasok nila ay naramdaman ko na lang na may gumulo sa aking buhok pero hindi ako kumilos at nagkunwari pa ring tulog

“Mukhang antok pa ang baby ko ah?” sabi na eh siya nga, si Shitsui! Kasama niya sina Miyata at Takumi

“Ms.Beautiful na Baby ni Boss, andito na ang iyong Hari!” ang makulit na boses ni Takumi. Geez, ang aking hari? Mabuti at hindi na nagre-react si Shitsui sa panunukso nila

“Tulog na tulog pa ata” Miyata

Ang akala ko ay hindi na ako kukulitin ni Shitsui pero ang walang hiya, bigla na lang akong pinagkikiliti na agad kong ikinabangon! Agad nagtama ang aming mga paningin at agad rin akong bumawi

“Good morning!” masigla niyang bati na abot tenga ang ngiti

Ngumiti rin naman ako sa kanya, kiyeme nga lang “G-good morning din…”

“Parang wala ka yatang energy ah? Halika, may pagkain ako dito” siya

“Nag almusal na ako kanina” ako

“Kahit na. Kailangan mo pa ring kumain” pilit niya at inurong pa niya ang kanyang upuan palapit sa upuan ko “Maraming pagkain dito”

Ngayon ko lang napansin ang dala niyang bag. Himala at mukhang maraming laman.Dahil sa na-curious ako ay pasimpleng sinilip ko ang laman ng kanyang bag at wow, puro pagkain nga ang laman ng bag niya!

“Baliw ka talaga!” at binatukan ko siya

“Nambabatok ka nanaman, masakit yon ah!” sabi niya habang hawak ang batok

“Eh puro pagkain ang laman ng bag mo. Hindi ka ba nagdadala ng mga kakailanganin mo sa school??” ako

“Kakailanganin? Nanay lang? tsk. Para ano, hindi ko kelangan iyon” siya

“Hay naku, ewan ko na lang sayo” at umiwas na ako ng  tingin

“Kain na tayo^^” siya. Binuksan na niya ang mga pagkain

“Parang mamahalin yata ang ganyang klase ng pagkain ah?” parang imported na mga tsitsirya at ang daming chocolates…… at nagdala rin siya ng ice cream, my favorite! *Q* Pero hindi ako nagpahalatang natakam sa ice cream

“Kumain ka na lang…ahhhh”  siya

“Anong ahhhh?” mukhang nahuhulaan ko na

“Susubuan lang kita my baby” seryoso ito???

“H-hehe… ako na lang Tatsumo”

Memories BlossomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon