#37 IS HE CRYING??

33 2 0
                                    

HANNAH:

Hindi ko alam kung nananaginip nga lamang ba ako? Ang kaibigan kong si Rui, may pagtingin pala sa akin? Pero bakit parang ang hirap sabihin sa kanya na hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya.. Oo mahal ko siya, pero bilang kaibigan. At ano ba talaga ang dapat kong sabihin o isasagot?

Lumayo na siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Nagpunas muna siya ng luha at saka ako tinitigan. Nagpunas din ako ng luha pero hindi ako makatingin ng diretso. Bigla niyang pinitik ang noo ko

“Awh!! Masakit iyon ah?” habang sapo-sapo ko ang noo ko

“Baka kasi iniisip mong nililigawan kita haha. Di ba nga aalis na ako kaya paano pa kita liligawan? Kaya wag ka nang maparanoid dyan”

“H-hindi ako napaparanoid nuh”

“Kung hindi nga lang ako aalis eh talagang liligawan kita. Balak pa nga kitang agawin sa kanya eh pero alam kong mas magiging masaya ka sa kanya.”

“R-Rui..”

“Kaibigan pa rin tayo at walang magbabago kahit na nagtapat ako sayo kaya wag ka nang mailang dyan hehe. Tara, ihahatid na kita sa inyong classroom”

Tahimik kaming naglalakad ni Rui hanggang sa marating na namin ang pintuan ng aming classroom. Nakita kong nasa loob na rin si Shitsui pati na din sina Miyata at Takumi. Napalingon sa direksyon namin si Shitsui at kung hindi ako nagkakamali ay parang ang sama ng tingin niya sa amin ni Rui. Napalingon na rin yung dalawa sa amin

“Woah, kuya is here pala! Yow dud!” Miyata

“Hi Kuya! Hello ms.Beautiful!” sabi naman ni Takumi na kumaway sa amin

Tumango at ngumiti naman si Rui sa dalawa

“Kilala ka nila?” tanong ko kay Rui

“Yup. Kuya ang tawag nila dahil kuya daw ako ng boss nila” natatawa namang sagot niya

Dumako naman ang tingin ko kay Shitsui at ang sama talaga ng tingin niya kay Rui. Kelan kaya magbabati ang dalawang ito?

Bigla siyang tumayo na hindi pa rin inaalis ang tingin kay Rui “Miyata, Takumi, aalis tayo! Tawagan ninyo ang ibang miyembro!”

“Bakit p’re? What’s the problem ba?” Takumi

“Wala nang maraming tanong, KILOS!” Nakakatakot ang aura niya ngayon…

At agad ding sumaludo ang dalawa sabay sabing “YES BOSS!” at nakuha pa nilang magbulungan

“Ano pang inuupu-upo ninyo? TAYO! NArinig kong tatambay ang Devil Wolves sa Runen High!” Shitsui

“Naku, yung grupo ng mayayabang? Naks naman wahaha” Takumi

“Ano pang hinihintay natin? Nami-mis ko na rin ang rambulan” Miyata

Papunta na nga sila sa pintuan kung saan kami nakatayo ni Rui

“S-saan kayo pupunta Shitsui?” alanganin kong tanong. Eh parang lalamon na ng buhay ang itsura eh

“Close tayo?” sagot naman niya at nilagpasan na kami at inunahan yung dalawang kasama niya sa paglalakad

“Anong problema non?” nagtatakang tanong ko

“Bye Ms.beautiful and Kuya!” Miyata

“Makikigulo muna kami sa Runen High” Takumi

“Ano?” makikipagrambulan sila?

“O paano, aalis na rin ako. Mukhang ang tindi ng selos ni Shitsui at ibubunton na lang sa gulo..” at lumapit pa si Rui para bumulong “May gusto sa’yo ang kapatid ko Hannah…”

Memories BlossomWhere stories live. Discover now