#7 NAKAKATAKOT NA SIYA :(

78 2 0
                                    

AMNESIA

AMNESIA

AMNESIA

AMNESIA

AMNESIA

AMNESIA

(__ __)

Hay naku, hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang salitang yan… Kaya naman pala ganon, kawawa tuloy ang bestfriend ko :(

Umaga, papunta na ako sa room namin. May tatlong lalaking nakaharang sa pintuan at isa na sya don, si Shitsui… Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kaba pag nakikita ko sya ngayon. Katulad na lang ngayon, ang lakas ng pintig ng puso ko O___O

Ilang weeks din syang hindi pumapasok kaya ngayon ko lang sya nakitang pumasok dito. Ang dalawang lalaking kasama nya, kung hindi ako nagkakamali ay sila din yung nakita kong kasama ni Shitsui nung isang araw.

Paano kaya ako nito dadaan? Close ang backdoor eh T_T

Bahala na nga..

Akmang papasok na sana ako sa room nang bigla akong harangin ng dalawa nyang kasama

“Miss, baka naliligaw ka lang ng room. 4-G itong pinapasukan mo”sabi nung naka salamin

“Alam ko” ako

“Eh alam mo pala eh bat dito ka pumapasok?” aba! Kung sapakin ko kaya ito

“At saka miss, hindi nababagay yang ganda mo sa section na ‘to” sabi naman nung isa na patayo ang buhok

At ano daw? Hindi nababagay ang ganda ko? Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung pinagsasabihan akong maganda! Feeling ko kasi eh pinagtutuyaan lang ako-___-

Isa lang ang taong gusto kong magsabi non sa akin. Wala nang iba kundi si…

“Padaanin nyo sya” si Shitsui

“Pare, mukhang masyado kang mabait ngayon?” sabi nung nakasalamin

“Baka naman crush mo sya p’re!” yung nakatayo naman yung buhok

“Kilala nyo ako. Pag nakikita ko ng matagal ang pagmumukha ng taong hindi ko gusto ay kumukulo lang ang dugo ko. Wala ako sa mood magpahiya ng tao ngayon” grabe lang sya ah :-(

“Maaari ka nang dumaan binibini. Sorry, hate ka kasi ni boss” yung nakatayo ang buhok

“Anong maaari nang dumaan? Ganon na lang ba yon kadali? Siyempre kailangan ng password! Di ba ms.beautiful?” sabi nung nakasalamin

Naiinis na talaga ako sa dalawang ito lalo sa nakasalamin na yan! Papatulan ko na nga sana sila eh pero nang tumingin ako kay Shitsui, hindi ko na naituloy. Bigla akong nakaramdam ng takot. Ang sama ng titig nya sa akin! Pakiramdam ko tuloy ay para akong isang malalang sakit na pinandidirihan nya…

“Simple lang naman ang password miss. Pangalan mo” yung nakasalamin nanaman

“Hannah Kitari” sinabi ko na lang para mabilis

“Good girl! Oh Miyata, give way!” yung makulit na nakasalamin pa rin

“Welcome.. Ms.Kitari..” yung tayo ang buhok at nagbow pa

Hmp! May araw din kayo sa akin!

Pagpasok ko, medyo nanibago ako sa atmosphere sa loob. Nakulangan kasi ang ingay di tulad dati nung hindi pa pumapasok yung tatlo

“Napagtrip-an ka yata nila” si Jenny, kaibigan ko nay an sila 1st year pa. Sila ni Yuuki

“Kaya nga, akala mo naman kung sinong mga kagwapuhan!” naiinis na sabi ko

Memories BlossomWhere stories live. Discover now