Chapter Twenty Three

286K 2.6K 226
                                    

"Mr. Alcantara? Noneen? B-bakit basa kayong dalawa?" Tanong ni ms. Cruz sa dalawang taong basa sa harapan niya. Nagulat siya, hindi niya inaasahang madadatnan niya silang dalawa dito sa lugar kung saan walang tao, at lalong lalo na sa ganitong oras.



Para namang natuod si Noneen sa pwesto niya. Kinakabahan siya halos muntikan na yun ha, paano niya ipapaliwanag ang nakikita ngayon sa teacher niya? Lalong lalo na't basa sila, kahit sino naman ata na pumasok dito at makita sila magtataka. Kumabog ang puso niya..



Ito na ba ang katapusan? Wag naman!



"A-anong nangyari dito?" Taqnong ni Ms. Cruz. Napalunok si Noneen. Magisip ka babae! Isip! Magsasalita na sana si Lawrence ng pigilan siya ni Noneen.



"Kasalanan ko po!" Sigaw nito sabay yuko. Nahihiya siya, napalingon naman si Lawrence sa biglang pagsasalita niya. Ano nanaman kaya ang sasabihin nito? Eh huling huli na nga sila.



"B-binasa ko po kasi si Sir! K-kasi po..ano nagagalit ako sa kanya dahil..binigyan niya ako ng dentention.." Nahihiyang sabi ni Noneen. Halatang kabado siya, hindi kasi sya makatingin ng diretso kay Lawrence o sa teacher niya. Pero yun naman talaga ang totoo eh, naasar na siya sa asawa niya. Parati ba naman kasi siyang asarin at pagtripan.



"H-hindi ko naman po alam na gaganti si Sir...k-kaya po basa kami. Pero wag po kayong magisip ng ibang bagay kasi yun lang po talaga yun! P-promise!" Pagpapatuloy ni Noneen tsaka tinaas ang kanan niyang kamay. Tumingin muna ng saglit si Ms. Cruz kay Lawrence at tsaka kay Noneen bago ngumiti.



"Ano ba kayo, wala naman akong iniisip eh." Tumawa ito ng mahina tsaka lumapit kay Noneen. Para namang binunutan ng tinik si Noneen sa dibdib sa sinabi ng teacher niya. Napabuntong hininga siya. Buti na lang..buti na lang iba siya. Isip ni Noneen.



"Basang basa ka na. Halika, pumunta tayo sa faculty  may extra akong damit dun. Magpalit ka, mamaya siponin ka pa nyan.." Nakangiting sabi nito kay Noneen tsaka humarap kay Lawrence. "At ikaw, magpalit ka rin. Mahirap na.." Tsaka ito ngumiti. Tumango lang si Lawrence tsaka ngumiti. Hinawakan naman ni Ms. Cruz ang kamay ni Noneen tsaka ito hinatak.



"Tara na." Sabi nito at tsaka sila lumabas ng gym. Naiwan naman si Lawrence na nakatayo sa pwesto niya. Napabuntong hininga siya, anong bang nangyayari sa kanya ha? Bakit parang biglang nag iba ang pagiisip niya? Napailing siya.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon