[31] - So I'm not supposed to love you no more

62K 880 163
                                    

[31] - So I'm not supposed to love you no more

[31] - So I'm not supposed to love you no more

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Days became weeks and weeks became months. Months became year. I didn't expect that this woman I men unexpectedly two years ago will become so close to me. She has been my study buddy, coffee buddy, or maybe my everything buddy if there's a term for it. We became close friends since the day I made it up to her. Buong akala ko, masungit siya pero hindi naman pala. She has the most genuine heart from all the people that I've met.

She told me everything that happened into her life. Alam kong marami siyang pinagdaanan sa buhay niya bago pa man siya makapunta rito sa Amerika. Sometimes, I really like to punch that Atty. Edward Vinn Montalban's face for breaking heart - pero ano bang karapatan ko? Sydney's first love is Atty. Montalban. He is also the reason why Sydney Rose Ochua became a stronger woman now. Maybe for that, I'll thank him for it.

Pero minsan, nakakapaghinayang din... Sometimes, I would feel I'm always inferior towards Montalban. Sa tuwing kinukwento kasi sa akin ni Sydney Rose ang tungkol sa lalake, her eyes would always twinkle. And me, I'll be mesmerized too by just looking at her.

Fine, I like her alright. But she's still in love with her first love who's fucking miles away from us.

Life's really fucking unfair, huh?

"I'm going to be away," I told her the night before I'll go to Chicago for some practice case. Isa kasi ako sa ipinadala ni Mr. Wesley na student lawyer na maghahandle ng isang case na nakabase sa Chicago.

Nasa apartment ko kasi kaming dalawa, nanunuod ng isang TV series. We were binge-watching Stranger Things on Netflix. Nasa couch kaming dalawa habang siya ay nakahiga at nakaunan sa kandungan ko. Ganoon kasi lagi ang setup namin. Kapag gusto namin magrelax muna mula sa kanya-kanyang career, we would always end up watching movies together - sometimes, in my apartment, sometimes on her place.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Bigla naman siyang umayos ng upo at hinarap ako. Nakakunot-noo na siya. Napailing na lang ako. Heto na naman siya sa pagiging masungit niya.

"Bakit? Bakit ko ba sasabihin sayo? May label ba tayo? Wala naman tayong label. Magkaibigan lang naman tayo. Bakit ko ba sasabihin sayo kung aalis ako? Mahal mo ba ako? Eh hindi mo naman ako mahal. Mas mahal mo pa rin iyong Montalban na iyon. Eh ang layo-layo niya na pero lagi mo pa rin siyang kinukwento sa akin. Mukha ba akong masaya habang nakikinig sa pagkukuwento mo--" Nagulat naman ako ng binato niya sa akin ang couch pillow na hawak-hawak niya kanina.

"Siraulo ka!" Inis na inis na sabi nito. Napapansin ko naman ang namumuong luha sa mga mata niya, "Lumayas ka mag-isa mo!" Padabog naman itong tumayo at naglakad papunta sa banyo ng apartment ko.

Innocently Mischievous (Finished)Where stories live. Discover now