[29] - I'd rather love just a little too much

46.7K 882 205
                                    


[29] - I'd rather love just a little too much

[29] - I'd rather love just a little too much

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

December 24th, 11pm.
Philippines.

"Tito Lolo!!"

"Oh, dahan-dahan lang!" Ani ko naman sa mga apo ni Ezekiel nang dumating na ako sa kanila. Nasa bahay kasi ako nila dahil inimbitahan ako ni kumpadre na 'dun na magnoche buena sa kanila. Bisperas na kasi ng pasko at napansin ko nga rin sa daan na may mga nag-aabang na ring magpapaputok.

Isa-isa namang nagmano ang mga bata at yumakap sa 'kin.

"Mga apo, lubayan niyo na Tito Lolo niyo," Napatigil naman ang mga bata nang marinig ang Lola nila, si Mariz. The children just giggled and did what all their grandmother said.

"Mariz," Umayos naman ako ng tayo, "Merry Christmas. Iyong mga regalo ko nasa kotse pa, dami kasi nitong mga apo niyo. Ang dami ko na ring tuloy apo sa inyo." I joked. Natawa naman ang asawa ni Ezekiel dahil sa sinabi ko. In her 60's, I would admit Ezekiel's still maintained her kind elegance.

"Naku, nag-abala ka pa, Attorney. Actually nga, mas paborito ka pang Lolo ng mga apo namin kesa kay Abnoy." She replied, smiling.

"Speaking of that old bastard, nasaan na iyon?" I asked as I immediately scanned the surroundings. Ang mga nakikita ko lang ay ang mga anak nila at iba pang mga apo.

"Nandoon sa balcony. Kausap si Kiko."

"Sige, I'll go." Tinanguan lang ako ni Mariz at pumunta naman ako kaagad sa balcony ng mansion nila. Well, Delos Reyes upgraded his house dahil lumalaki na raw ang pamilya niya.

Nang namataan ko silang dalawa ng anak niya ay tumikhim naman ako. Kieron Konstantine noticed me first. Sinenyasan naman nito si Ezekiel at lumingon na rin sa akin.

We both just grinned at each other, like it's our secret signage.

Ilang segundo naman ay nagpaalam na si Kiko. He tapped me at my shoulder when he passes by.

Nilapitan ko naman si Ezekiel. He suddenly went to the small table beside him to get a goblet glass and poured me a wine.

"Wine for the old bastards," He quoted as he handed it to me. Napailing na lang ako at kaagad ininom iyon.

"Old yet powerful." I joked again at siya naman ang napailing.

"Buti na lang talaga at hindi natuloy ang pagiging pari ng batang iyon," I started to comment. Sa pagkakaalala ko kasi ay pumasok ang anak niyang si Kieron Konstatine sa seminaryo. But when Ezekiel's first true blood son, Avo went downhill with his life, pinakausapan ni Zeke ang nakakatanda na magbitiw muna at tulungan siyang ihandle ang EDR Hotels.

But all their kids are now well anyway.

"Same, at least he got married. Ang dami ko ngang apo sa kanya. Hindi naman pala santo." Both of us laughed. Maya-maya'y natahimik naman kaming pareho. I leaned into the balcony's railings and looked at the night view. In my sixty-nine years of life, hindi pa rin ako nagsasawa tignan ito.

Innocently Mischievous (Finished)Where stories live. Discover now