[2] - Burned virtues

80.4K 1.7K 145
                                    

Typo errors are a lot.

Jon Kortajarena as Edward Vinn.

[2] - Burned virtues

Hindi ko inaasahan na ang liligtas pa rin pala sa akin sa delubyong ito ay walang iba kung hindi si Attorney

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko inaasahan na ang liligtas pa rin pala sa akin sa delubyong ito ay walang iba kung hindi si Attorney. Meant to be talaga kami!

"Attorney!" Kahit ang basang-basa ko na dahil sa ulan ay wala akong pakialam. Parang sulit tuloy ang pagligo ko sa baha dahil biglang dumating ang the love of my life ko.

Tuluyan na rin ako nitong nilapitan. Pati ito ay basa na rin sa ulan, "Rose, sumakay ka na. Ihahatid na kita sa apartment mo." Hinayaan ko lang siya na hawakan ang kamay ko at saka kami pumunta na sa kotse niya para sumakay.

Oh my god talaga! Hinawakan niya ang kamay ko! Gosh.

"Wala ka ng masasakyan dito dahil baha na sa lahat ng lugar. May daan ding isinara." He said as he was starting the engine. Hindi pa rin ako makapaniwala na pupuntahan niya ako sa mga oras na iyon. Kung ganun... baka interesado na siya 'kin! Baka hindi pa tapos sa amin ang lahat.

"A-Attorney... Sana 'di ka na nag-abala pa..." Nahihiyang sabi ko. Siyempre kahit crush na crush ko siya ay may kahihiyan pa rin naman akong tinataglay. Nabasa pa siya tuloy dahil sa akin. At hindi ko rin lubos maisip kung bakit nandito siya.

OMG. Maybe he's so worried about me!

"Binalita na uulan ng malakas sa hapon and I remembered you na nagcocommute ka lang tuwing papauwi." He added casually and he finally drove off. Talagang malakas ang buhos ng ulan sa mga oras na iyon.

Pero shet. Pwede na ba akong kiligin? So may balak pala talaga siyang sunduin ako. I squealed mentally.

"Thank you, Attorney..." I just said smilingly. Kinikilig talaga ako!

"No problem, may pinagsamahan pa rin naman tayo." He replied simply at ako naman ay talagang hindi na mapigilang mas ngumiti lalo.

At buong biyahe talaga ay nakangiti lang ako na parang baliw. Kahit wala naman talagang ginagawa si Attorney sa buong biyahe at tahimik lang nagmamaneho - ako naman ay todo na talaga sa kilig. First time ko kasing makasakay sa kotse niya tapos magkatabi pa kami!

Ilang minuto naman ay dumating na rin kami sa maliit na apartment ko. Malapit lang kasi iyon sa school kung saan ako nagprapracticum sa pagtuturo.

"Uhmm..." Nasa kotse pa rin niya kaming dalawa, "Gusto mo ba m-munang m-magkape..." God! Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko!

Bigla naman itong natawa, "Yeah, sure. Malakas pa rin naman ang buhos ng ulan and we're both soaking wet. Magpapatuyo na lang din ako."

Oh my god, Sydney Rose! Chance mo na ito kay Attorney!

Innocently Mischievous (Finished)Where stories live. Discover now