[8] - Dangerous love

58.3K 1.1K 61
                                    


Typo errors are a lot.

[8] - Dangerous love

Kumakanta naman ako habang nagluluto ng breakfast para sa 'ming dalawa ni Attorney

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kumakanta naman ako habang nagluluto ng breakfast para sa 'ming dalawa ni Attorney. Sabado kasi sa araw na iyon at wala akong klase. Tapos si Attorney naman ay hindi pa nagigising at mahimbing lang natutulog.

Hindi ko talaga alam kung bakit naglasing siya kagabi... or kung bakit nagsinungaling siya. He told me na mag-oovertime siya but then he was drinking last night. Gusto ko talaga alamin kung anong nangyari. Hindi naman kasi siya ganun. Kapag kasi stressed siya o pagod siya sa law firm, he would tell it to me at kukwentuhan niya ako. Then ako naman ay titimplahan siya ng kape at mamasahiin ang mga balikat niya para gumaan ang pakiramdam niya.

But now, I felt he's hiding something from me... Siguro, tama rin ang mga sinabi ni Kuya Zeke sa 'kin kagabi... that we all are keeping skeletons beneath us... and for me, I am already completely bare to Edward Vinn... He knows everything about me, my heart, body and soul... Pero siya... siguro nga, hindi ko pa siya lubusang kilala.

I didn't remember him telling me about his family. Kung nasaan ba ang mga magulang niya, kung may mga kapatid ba siya... Saang lugar ba siya lumaki. His experiences during his childhood or teenage years. Ang tanging alam ko lang ay ang pagiging abogada niya... his law life and then... now. I don't really know a lot about him.

But I do, I do believe that what he's showing me now is real. That Edward Vinn Montalban is a very kind human being.

At kung ano man ang naging nakaraan niya ay tatanggapin ko iyon ng buong-buo at hindi ko siya huhusgahan.

Ganun ko siya kamahal.

"Rose?"

Napalingon naman ako sa likod nang marinig ko ang boses na iyon. I beamed at Attorney na halatang kakagising lang.

"Gising ka na pala, Attorney. Halika na. Nagluluto na ako ng almusal natin. Magmugmog ka na at manghilamos. May work ka pa naman mamaya." Kung ganitong kagwapong mukha ang lagi kong makikita araw-araw ay talagang buo na agad ang araw ko.

He smiled at me at sinunod nga 'yung sinabi ko. Nakasuot lang siya ng manipis na puting tshirt at boxers. Ako kasi ang nagbihis sa kanya kagabi dahil ang sobrang init 'nung suot niyang suit and tie.

Matapos niyang magtoothbrush at manghilamos ay bigla niya akong niyakap sa likuran ko.

"Morning, Ma'am." He said in a very husky voice. Ramdam ko rin ang mainit na hininga niya sa batok ko. Bigla pa niyang hinalikan iyon.

I giggled, "Hoy, Vinn! Ang sinangag, masusunog 'to!"

Natawa din naman siya sa sinabi ko, "I don't know what happened to me last night... but I know you took care of me again that's why I had a wonderful dream about you."

Napailing naman ako at i-noff na ang stove. Hinarap ko naman siya, "Sasabihin ko sayo kung anong nangyari kagabi pero kumain muna tayo ng almusal."

Innocently Mischievous (Finished)Where stories live. Discover now