[3] - Don't play fire with fire

80.8K 1.6K 181
                                    


WARNING:
Some scenes are not suitable for audiences below 18.

[3] - Don't play fire with fire

Isang linggo na rin ang lumipas magmula 'nung huling pagkikita namin ni Attorney

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isang linggo na rin ang lumipas magmula 'nung huling pagkikita namin ni Attorney. Talagang tinotoo niya kasi 'yung sinabi niya sa akin noon, 'nung huling breakfast naming dalawa na ay ayaw na niyang makipag-ugnayan pa sa 'kin - that I was too young and he was never interested in me.

Dahil doon, hindi na rin ako pumupunta sa firm niya. Ayoko rin namang ipagsiksikan ang sarili ko at alam ko kung saan ako dapat lumugar. Ayokong mag-iisip siya ng masama tungkol sa 'kin dahil lang ipinagpipilitan ko ang sarili ko sa kanya.

I sighed. Ngunit kahit ganun, hindi ko pa rin siya makalimutan. Especially what happened to us on that night. The intoxicating kiss that we shared together. Hindi ko alam pero magmula 'nung bigla niya akong hinalikan ay hindi na ako makatulog ng maayos. Parang unting-unti na akong nawawala sa wisyo. I felt like I was being trapped into his world.

He kissed me. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa. Was he willing to teach me on how to live with the mask he was currently living? Was he letting me to know what his dark side meant?

Pero umalis pa rin siya. Iniwan pa rin niya ako sa ere. He left me without even clarifying things. Naguguluhan ako. Or was it just me overthinking things?

Ako lang ba ang nag-iisip o umaasa na kahit papaano ay pwede kaming dalawa?

Naguguluhan ako sayo, Attorney.

"Syd," Tawag sa 'kin ni Amy na classmate ko at kasama ko rin sa practicum bilang student teacher sa school. Nasa faculty room kasi kaming dalawa, "Narinig mo ba 'yung balita."

Napaayos naman ako sa upo ko. May cubicle kasing prinovide sa amin ang school para sa aming mga student teachers, "Ano?" I tried to be cheerful. Ayokong isipin niyang may malalim akong iniisip.

"Yung kaso tungkol sa grade 3 na rape victim na nirape ng teacher niya? Natalo 'yung kaso. Kawawa nga 'yung bata eh."

"A-Ano?" Hindi makapaniwalang sabi ko kay Amy. Alam ko ang tungkol sa kasong iyon. Si Attorney ang humahandle sa kaso sa side 'nung batang rape victim. Talaga kasing matunog ang balitang iyon dito dahil sa malapit lang na public elementary school nag-aaral 'yung bata. And Attorney was really kind enough to be the victim's lawyer.

Nagkibit-balikat naman si Amy, "Narinig ko lang naman na 'yung lintik na teacher pala na gumahasa sa bata ay mayaman. Anak daw ng haciendero sa isang probinsya. Binayaran 'yung judge para hindi na lumaki 'yung eskandalo. Kumukulo nga 'yung dugo ko nang malaman iyon. Napakademonyo." Dagdag pa nito sa akin.

Hindi naman ako nakapagsalita sa sinabi niya. Alam kong matalino si Attorney. He was even one of the top lawyers around the country kaya maraming gustong kumukuha sa kanya. But he was more into helping those less fortunate people.

Innocently Mischievous (Finished)Where stories live. Discover now