[11] - Unclear and fleeting

51.3K 1.2K 51
                                    


[11] - Unclear and fleeting

"Sydney?" Nakakunot-noong sabi naman sa akin ni Ate Mariz nang dumating na ako sa bahay namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sydney?" Nakakunot-noong sabi naman sa akin ni Ate Mariz nang dumating na ako sa bahay namin. Nasa likod ko naman si Kuya Ezekiel na siyang naghatid sa akin.

Alam kong naguguluhan siya ngayon sa nangyayari. Dala-dala ko na kasi ang mga gamit sa apartment ko dahil dito na ako tutuloy ulit sa bahay namin.

"Bakit ka nandito? Iyong apartment mo--"

"N-Nilooban kasi iyong apartment ko, Ateng..." I lied. Pero iyon kasi ang ininstruct sa akin ni Kuya Ezekiel na isasagot ko kapag nagtanong si Ate. He told me, it isn't yet the time that my older sister will know my relationship with his friend. At ako rin naman ay ayoko rin muna ipaalam ang tungkol sa amin ni Edward Vinm kay Ate.

"Diyos ko! Okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Kaagad naman akong nilapitan ni Ate at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. She looked really worried.

Umiling naman ako at binigyan siya ng ngiting pilit, "Okay lang ako, Ate. Saka tinulungan naman ako ni Kuya Ezekiel..."

Humiwalay naman ito sa akin at nilapitan si Kuya Zeke, "Abnoy," Kuya Ezekiel gave her a quick kiss on her lips. I smiled at their endearment. Abnoy kasi ang tawag ni Ate kay Kuya Ezekiel tapos si Kuya naman ay chief ang tawag sa kanya.

"Nakita ko kasi siya sa daan, on my way here - bringing her belongings kaya pinasakay ko na siya sa kotse para maihatid dito." Kuya Ezekiel explained. Napabuntong-hininga naman si Ate. I sensed she was relieved because her boyfriend helped me. She then started walking.

"Kumain na ba kayo? Sige na, katatapos ko lang magluto. Sina Nanay at Tatang kasi nagsimba pa. Tapos sina Marlon at Wally, nandoon na naman sa gym ng barangay, nanunuod ng basketball," Sumunod naman ako kay Ate papunta sa kusina. Napansin kong nakaayos na nga ang mga pinggan sa mesa.

"Ang mga anak natin?" Kuya Ezekiel asked casually. Tinatanggal na nito ang suot nitong black coat. He then immediately helped my sister in preparing the food.

"Tulog pa ang mga bata. Pinagod mo kasi sa kakakulit niyo kagabi," Kuya chuckled after my sister answered. Napangiti na lang ulit ako. Somehow, I'm really happy that my sister finally found the love of her life. Ang sobrang laki kasi ng sinakripisyo nito sa pamilya namin kaya masaya ako nang dumating si Kuya Zeke sa buhay nito.

Now, she got a new loving a family, two kids and a husband on the way. Engaged na kasi silang dalawa noon pa ni Kuya.

I mentally sighed.

Kailan kaya kami magiging ganun ni Attorney?

●●●

Mahigit isang linggo na rin ang lumipas magmula 'nung huling kita namin ni Attorney. Isang huling linggo na rin ang lumipas magmula 'nung huli naming pag-uusap. Hanggang ngayon kasi ay 'di ko pa siya nakakausap ng personal o kahit sa telepono lang.

Innocently Mischievous (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon