[7] - Skeletons of the past

57.3K 1.2K 62
                                    

Typo errors are a lot.

[7] - Skeletons of the past

Nagising naman ako na wala si Attorney sa tabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagising naman ako na wala si Attorney sa tabi. I yawned. Madilim pa sa mga oras na iyon. Pero nasaan ba siya?

Dahan-dahan naman akong naupo at inayos ang damit ko. I then remembered what we did last night, nanalo kasi 'yung kaso niya about 'dun sa abused mother and her child against their abusive husband. Good mood na good mood talaga si Attorney na sinundo pa niya ako sa school na may dalang bouquet of roses. Tapos kinwento niya kaagad sa 'kin ang nangyari.

And as a celebration, we had a dinner in a very fancy restaurant. Nahihiya nga ako kasi ang mahal 'nung restaurant na pinuntahan namin at hindi keri ng budget ko - but he insisted na libre daw niya iyon for winning his case. Kaya no choice na rin ako. But I told him na babawi naman ako sa gastos.

Ayoko naman kasing isipin ng iba na umaasa ako sa kanya - na tama yung sinabi ni Atty. Sarmiento na sugar daddy ko siya. Neknek niya no. Lagi akong pinapangaralan ni Ate Mariz na dapat maging independent woman - na huwag laging umasa sa ibang tao. At kahit kailan, hindi ako nanghingi ng pera kay Attorney. Split din kaya kami sa mga gastos sa apartment kasi alam ni Attorney na ayokong siya ang gumagastos sa lahat.

At saka, ang kapal ng babaitang iyon sabihin na sugar daddy si Attorney. Ang gwapo lang niya para maging DOM!

Nakita ko naman si Attorney na nakaupo sa porch sa may pintuan. I noticed he was smoking a cigarette again.

I sighed as I sat beside him. Kinuha ko kaagad mula sa bibig niya ang sigarilyo at inapakan iyon, "Naninigarilyo ka na naman, Attorney. Akala ko ba tumigil ka na?" Naiinis na sabi ko sa kanya. Simula kasing naging kami ay pinagsabihan ko siya sa paninigarilyo niya and he promised na titigil na nga siya. Alam niya kasing medyo allergic ako sa usok ng sigarilyo - sumasakit kasi ulo ko kapag nakakaamoy ako ng usok.

Medyo nagulat naman siya sa ginawa ko at napayuko. I sensed he felt guilty for doing it, "I'm sorry..."

Hinawakan ko naman ang kamay niya at pinisil iyon. Ramdam ko kasi parang hindi siya okay, "May problema ba, Attorney? You looked stressed."

Nilingon naman niya ako at ngumiti sa 'kin ng pilit. Pagkatapos ay tumingin ito ulit sa kawalan, "I had a nightmare. It was... It was s-scary, Rose." His voice trembled. Kaagad ko namang hinaplos-haplos ang likod niya to soothe him.

"It's okay kung ayaw mong pag-usapan," I rested my chin on his shoulder while my other arm was still wrapped around him, "Don't worry, nandito naman ako. Hindi kita iiwanan. Dito lang ako hanggang sa maramdaman mong okay ka na."

He turned his head at me and smiled. Hinagkan naman niya ang noo ko pagkatapos ay bigla siyang humiga sa kandungan ko. I giggled and smiled. Ang buhok naman niya ngayon ang hinahaplos ko. Napapapikit naman siya sa ginagawa ko. He really looked adorable. Parang siyang bata.

Innocently Mischievous (Finished)Where stories live. Discover now