[15] - Devoted

50.1K 1K 47
                                    

[15] - Devoted

"Mama, kailan ba magigising si Tita Sydney?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Mama, kailan ba magigising si Tita Sydney?"

"Mama Chief, ang tagal naman po matapos ng panaginip niya!"

"Uhm..." Dahan-dahan ko namang inimulat ang mga mata ko nang marinig ko ang mga boses ng dalawang pamangking kong sina Kiko at Xeno. Napakunot-noo naman ako nang mapansin kong puro kulay puti ang nasa paligid ko. Napansin ko naman sa kamay ko ang isang dextrose na nakakabit.

I am in a hospital.

"Sydney!" Narinig ko naman ang boses ni Ate Mariz kaya napalingon ako sa gilid ko. She was looking at me, shocked.

"D-Doc! Doc!" She was yelling the doctor's name. I could see it on her eyes that she was relieved. Naramdaman ko naman ang paghaplos niya sa buhok ko.

"Salamat sa Diyos at nagising ka na rin," ani ni Ate sa akin.

"A-Ate, anong nangyari..." Hirap na sabi ko. Hindi ko alam kung paano ako napunta doon sa ospital o kung ilang araw na ba akong nandoon. Aaminin kong hindi pa gaano kaayos ang pakiramdam ko sa mga oras na iyon.

"Nabaril ka sa school niyo," Puno ng pag-aalalang sabi nito sa akin, "Inoperahan ka para makuha ang bala sa may dibdib mo. Tatlong araw kang walang malay. Pinag-aalala mo kami ng husto. Akala namin..." Bumuntong-hininga naman si Ate at alam kong naiiyak na rin siya, "Ano bang talagang nangyari, Sydney?"

Pilit ko namang inaalala ang nangyari sa akin 'nung huling araw ko sa pagtuturo sa public school, 'yung farewell party na ibinigay sa akin ng mga bata at 'yung pagsorpresa ni Attorney sa akin. Then... we heard a gunshot. Nakita ko si Attorney 'non na nakahawak sa akin. He was shouting. Everyone was panicking. Tapos... napansin ko 'yung dugo sa may dibdib ko.

Si Attorney.

"A-Ate... b-bumisita ba sa 'kin si Attorney? N-Nasaan siya... M-May bumisita ba sa akin dito?" I told her weakly. I could still a very heavy feeling in all over my body.

Napakunot-noo naman si Ate Mariz, "A-Attorney? S-Sinong Attorney? Saka, kakauwi lang kanina nina Nanay at Tatang. Kahapon naman sina Wally at Marlon ang nagbantay sayo. Nandito rin kanina si Ezekiel pero lumabas lang para kausapin si Attorney Montalban sa telepono." Sagot naman nito sa akin. Alam kong naguguluhan siya ngayon sa inaasal ko.

I took a deep breath and closed my eyes, "S-Si Attorney Montalban... K-Kamusta siya, Ate?"

Gusto ko lang malaman kung okay lang ang kalagayan niya matapos ang mangyari. Wala kasi akong ibang maalala tungkol sa nangyari sa akin... Siya lang iyong taong huling nakita ko.

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ulit ni Ate, "Sabi sa akin ni Ezekiel kanina, tutulong daw si Atty. Montalban sa nangyari sayo 'dun sa school. Pinaimbestiga na nila kung sinong gumawa 'nun sayo."

Innocently Mischievous (Finished)Where stories live. Discover now