Chapter Twenty

302K 2.8K 295
                                    

"AHHHH! Walanjong may tulong sipong lalaking yun! Anong oras na, wala pa rin!" Naiinis na bulong ni Rhian sa sarili habang nakatingin sa relo. Paano naman kasi halos ata 30 minuto na siyang naghihintay dito sa main gate ng school nila. Kinakabahan tuloy siya, baka naman ginugudtime lang siya?



Huh lakas naman niyang pagtripan ang dyosang katulad ko. Isip ni Rhian.



"Isang minuto na lang, pag wala pang yung uhugin na yun. Aalis na talaga ako. Hmp." Sabi ni Rhian sa sarili. Tumingin siya sa relo niya tsaka nagbilang.



"27, 28, 29, 30, 31, 32, 33, kaimbyerlalu! Bakit ko ba iintayin yung uhugin na yun?" Hinawi niya ang buhok tsaka nagsimulang maglakad papalabas. Tatawid na sana siya ng biglang may humintong sasakyan sa harapan niya. Nanlaki ang mata niya, hindi lang kasi pipityugin na sasakyan yung huminto ngayon sa harapan niya kundi isang Mercedes Benz. Nagulat siya ng biglang bumaba ang  bintana ng sasakyan.



At may isang uhugin doon sa loob.



"Hop in." Matipid na sabi nito. Nanlaki ang mata ni Rhian tsaka nya tinuro ang sarili. 



"Oo ikaw, sino pa ba? Bili pasok na sa loob." Sabi ng lalaki. Para namang nabato siya sa kinatatayuan nya. Yung uhugin na to ba talaga ang nakikita niya ngayon? Dahan dahan siyang lumapit sa kotse tsaka binuksan ang pintuan. 



"Napakahinhin mo naman. Papasok na lang." Narinig niyang bulong ng lalaki. Agad agad naman siyang pumasok ng kotse tsaka sinara ang pinto. Masisi mo ba kung hanggang ngayon may culture shock sya? Ano ba naman kasi ang alam niya? All this time akala niya isang di hamak na hampas lupa lang tong lalaking uhugin na to tapos biglang ganito?



"Himala ata, you don't have your native tongue and talkative mouth today?" Tanong ng lalaki sa kanya, napatingin sya dito.



"Anong native tongue ka dyan?" Inosenteng tanong ni Rhian.



"You know, that language you are sepaking when I first met you." Paliwanag ng lalaki. Pero umirap lang si Rhian. Ibang klase naman kasi, bakit biglang naging english speaking yung uhugin?



"Charing imbyerlalung waiting shed ang beauty ko kanina sayo wag mong make high blood ang headress ko ha." Bulong ni Rhian habang nakatingin sa labas.

We Are Married?! (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon