Chapter 10

211 23 0
                                    

Chapter 10: THANK YOU?

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Wea's POV

Gumising ako ng maaga ngayon, agad akong naligo at nagbihis. Pagkatapos ay binuksan ko ng dahan dahan ang pinto ng kwarto ko, tumingin muna ako sa kaliwa at kanan bago ako lumabas baka kasi makita ako ni Ethan eh. Swerte ko naman at mukhang tulog pa silang lahat, lumabas naman ako ng kwarto ko at nagtuloy-tuloy sa may pinto palabas ng bahay. Bubuksan ko na sana yung pinto ng biglang...

"Wea? Saan ka pupunta?" humarap naman agad ako at nakita ang isang Shin na bagong gising.

"Ah? Hehe, wala! Tinignan ko lang kung naka-lock ba talaga tong pinto! Ayos! naka-lock nga!" tinignan lang ako ni Shin at nagdirediretso sa Kitchen. Haaaaay, muntik na yun. Bumalik na lang ulit ako sa kwarto ko.

Teka? Aalis ako? Ehh hindi ko naman alam ang papunta dun? Papunta sa mansyon ng mga Lim?

Aaaaaargh! Buti na lang nakita ako ni Shin! Ok na din yun, baka kung nakalabas ako... maligaw lang ako. Hmm... gagamitin ko na lang siguro ang kapangyarihan ko, para din naman kay Ethan to. Kinuha ko muna yung kwintas ko sa drawer at sinuot yun. Pumikit naman ako at inisip ang mansyon nila Ethan.

1...

2...

3....!

Pagdilat ko naman ulit ng mga mata ko ay nasa harap na ako ng gate ng mansyon ng mga Lim. Nagamit ko ang kapangyarihan ko,ibig sabihin lang non ay isang araw nanaman ang nawala. Kumatok naman ako dun sa malaki nilang gate. Ouch lang, ang sakit sa kamay.

Maya-maya itinigil ko na din ang pagkatok ko at lumabas si Manong Bert, guard nila Ethan dito sa mansyon.

"Hoy! May doorbell ah? Bakit yung gate ang kinakatok mo?" doorbell? Ay, oo nga. Nakalimutan ko. Tinuro pala sa akin ni Ethan yun,kung pano gumamit ng doorbell, may doorbell din dun sa bahay kaso nasira ko kaya di nagagamit. Pinindot ko naman ng dalawang beses yung doorbell.

"Oh ayan na Manong Bert ah? Ginamit ko na! Uhm, nandiyan ba si Mr. Lim?"

"Pano mo nalaman pangalan ko,huh? At saka, anong kelangan mo kay Mr. Lim? Ano bang pangalan mo?" dirediretsong tanong ni Manong Bert.

"Ehh dati ko pa po kasi kayo kilala eh, bata pa si Ethan! Gusto ko po sanang maka-usap si Mr. Lim, may itatanong din po ako sa kanya. Ako po si W–"

"Ma'am Paula? Ikaw na ba yan?" masayang tanong ni Manong Bert. Paula? Siya yung kababata ni Ethan eh.

"Ay.. Hin–"

"Pasok ka! Di mo naman agad sinabi Ma'am Paula na dadating ka eh" pumasok naman ako. Sinundan ko naman si Manong Bert habang papunta doon sa may bahay.

"Ay! Hinde po ako si Paula. Ako po si Wea" napalingon naman siya sa'ken.

"Eh? Bat di mo sinabi agad?"

"Eh di niyo naman po kasi pinapatapos yung sasabihin ko eh"sagot ko kay Manong Bert.

"Teka! Hintayin mo lang ako diyan ah! Tatawagin ko lang si–" di ko na pinatapos yung sasabihin ni Manong Bert, nakita ko kasi si Mr. Lim na palabas na ng bahay.

"Mr. Lim!!!" sigaw ko. Napalingon naman agad ito sa'kin.

"Oh, Wea. Bakit nandito ka?" tanong ni Mr. Lim habang papunta dun sa maliit na Garden, ang alam ko kasi ay may malaki pang Garden sa may bandang kaliwa ng Mansyon. Tumakbo naman ako papunta kay Mr. Lim. Sinundan naman ako ni Manong Bert. Grabe, ang ganda talaga ng mansyon nila Ethan. Bakit kaya mas pinili niya pa rin tumira sa ibang bahay kesa dito? Tumingin naman ako kung nasaan si Mr. Lim, nakaupo siya sa isang bench doon sa maliit na garden na punong puno ng mga berdeng halaman.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Where stories live. Discover now