*SPECIAL CHAPTER #1

345 38 8
                                    

Special Chaprer #1: Jeepney Hatestory

Justin Timothy's POV

"Oh? Uuwi ka na bro? Akala ko ba magtatry-out pa tayo sa basketball?", tanong ni Lance kay Gab nang bigla na lang nitong kunin yung bag niya.

"Hindi ko na kailangang magpakapagod para makasali sa team. Sigurado namang makakapasok ako ng walang kahirap-hirap", sagot niya. Oo nga pala, isang sabi niya lang sa principal ma gusto niyang sumali sa Basketball Team ng school ay makakapasok siya. Sino pa nga ba ang susuway sa gusto ng isang Gabriel Ethan Lim?

Umalis na si Gab at sakto namang pag-alis niya ay ang pagdating ng coach namin na ilang minutes ng late. Pagkatapos ng ilang daldal ni coach ay nagsimula na din ang try-out. Hinati sa dalawang team ang mga nagtry-out para paglabanin at para malaman kung sino ang nagstand-out sa game.

"Ipopost na lang sa bulletin board ang mga napili. Pwede na kayong umuwi", sabi ni coach pagkatapos ng game. Dumiretso ako sa locker ko dito sa loob ng gym. May mga locker kasi dito yung mga dating player na ng school. Kinuha ko yung towel ko para makapag-shower muna bago ako umuwi.

"Tol, sasabay ako mamaya sa'yo pauwi ha? Hindi ko dala yung kotse ko eh", sabi ko kay Lance. Tumango lang siya at pumasok na sa c.r para makapag-shower.

Pagkatapos kong mag-shower, agad akong nagbihis ng school uniform ko. Pa'no ba naman, pagkalabas ko, ako na lang ang tao doon. Nasaan na 'yong mga ungas na 'yon? Ang bibilis naman yata nilang maligo o sadyang mabagal lang talaga ako? Kinuha ko yung bag ko at saka dali-daling tumakbo palabas ng gym. Hinanap ko kaagad si Lance. Aba, mahirap ng maiwan no'n. Saan na lang ako sasakay kung sakaling maiwan ako nung ungas na 'yon?

"Bro, nakita mo si Lance?", tanong ko do'n sa isang nagtry-out.

"Kanina pa lumabas bro. Nauna na siguro", sabi niya.

"What? Okay, thanks", agad akong tumakbo papunta sa parking lot. Wala na do'n yung kotse ni Lance. What the f*ck? Pa'no ako uuwi nito ngayon?

"Edi magtaxi", bulong ko sa sarili ko. Cool na cool akong lumabas ng gate ng school. Syempre, dagdag pogi points din yon. Tss, medyo na-minus-an lang nga ng konti dahil di ko dala yung kotse ko. Ngumiti ako sa mga nakakasalubong kong babae. Hindi naman nila maitago yung kilig at mga ngiti nila sa tuwing ngingitian ko sila. Mga babae talaga.

Tumayo ako sa harap ng gate para maghintay ng taxi. Inilagay ko sa bulsa ko yung mga kamay ko. Aba teka, parang lumuwag yung bulsa ko ngayon– sh*t yung wallet ko. Tinignan ko sa bag ko yung wallet ko, nagbabaka-sakaling nando'n yon. Hindi ko kasi ugaling maglagay ng wallet sa bag.

"Ugh! Where the hell is my f*cking wallet?", hindi ko makita sa bag ko. Nagvibrate yung phone ko kaya kaagad kong tinignan kung sino yung tumatawag.

Trina Calling...

"Hel–"

"Hey! You stupid monkey! You forgot your wallet. Tatanga-tanga ka talaga. Sige, bye!", sabi nung kapatid ko. Natulala ako pagkatapos nyang sabihin 'yon. Pa'no na ang ka-gwapuhan ko nito? Tumingin-tingin ako sa paligid, baka sakaling nandito lang pala si Lance pero hindi si Lance ang nakita ko, kundi si Shin. Si Shin nanaglalakad  palabas ng gate habang nagbabasa ng libro.

"Shin!", sigaw ko sabay takbo papalapit sa kanya. Tinignan niya lang ako pagkatapos ay ibinalik niya ulit ang tingin niya sa libro. "Bro, baka naman may extra money ka diyan. Pahiram naman oh"

"Bakit? Naghihirap ka na ba?", tanong niya habang nakatingin pa rin sa libro. Aba, ako? Naghihirap?

"Ako? Naghihirap? Syempre hindi, bro! Ako pa!"

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon