Chapter 4

341 38 1
                                    

CHAPTER 4 : GAB'S PLAN

Shin's POV

Dahil ayaw sumama ni Gab ihatid yung bata, ako na ang sumama. Tss, ang tamad talaga nung lokong yun.

"Wea?? Wea,right?" tanong ko dun sa babae.

"Ahh.. Oo"sabi niya sabay ngiti

"Pagpasensyahan mo na yung si Gab. Tss, tinatamad lang siguro"

"Haha. Ok lang" sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit ganun si Gab dito sa babaeng to. Okay naman siya kaso pag tinanong mo tong si Wea kung saan siya nakatira. Haaaay, di kapanipaniwala ang sagot.

"Ate, dito na lang po. Dito na po yung bahay namin" sabi nung bata

"Ahh..Sige na.Pasok ka na, baka hinahanap ka na ng mommy mo"sabi ni Wea doon sa bata

"Haha, sigurado po ako, nasa work pa yun" sabi nung bata

Bigla namang may lumabas sa gate.

"Athena! San ka ba galing bata ka? Kanina pa kita hinahanap. Buti na lang at umuwi ka na kung hindi,naku lagot nanaman ako sa mommy mo" sabi nung babae. I think,maid nila. Halata naman sa uniform ehh,tss

"Ohh sige na, Athena. Aalis na kami" sabi ni Wea dun sa bata

"Bye ate. Bye Kuya" sabi nung bata

"Oh sige, babye!"sabi ni Wea

"Bye, Athena" sabi ko.

Lumakad na kami ni Wea papunta sa bahay.Habang naglalakad kami, napansin ko, wala pala siyang slipper. Naka dress lang siya na white na below the knee. Kaya nagmumukha tuloy siyang white lady,haha.

*****

Wea Angelic's POV

Habang naglalakad kami biglang umupo si Shin.

"Sakay" sabi niya

"Huh?"

"Sabi ko, sumakay ka."sabi niya

"Piggy Back Ride, Yeheyy!!"

"Tss, dalian mo na. Magkakasugat pa yung paa mo. Wala kang slipper oh" sabi ni Shin.

Sumakay naman ako at naglakad na ulit si Shin. Magkaibang magkaiba ang ugali nila ni Ethan. Haay.. buti pa to si Shin ehh, di namomroblema ang Guardian Angel niya sa kanya.Ehh ako? Eto.. nasa lupa, kelangan bantayan si Ethan.

Hayyy.. Ethan, sana magbago ka na

~~~

Shin's POV

Pagdating namin sa bahay....

"Shin,thank you ah!" sabi ni Wea

"Tss, wala yun"

"San kayo galing?" sabi ni Gab habang nanonood ng Tv

"Hinatid yung bata" sabi ko

"Ahh.. Kumain na kayo! Pagkatapos, hoy! baliw na babae!" sabi ni Gab sabay tingin kay Wea

"Bakit Ethan?" ~wea

"Ilang ulit ko ba sasabihin sayo na wag mo kong tatawaging Ethan!!? Psh, pagkatapos niyong kumain.. hugasan mo yung mga pinggan, naiintindihan mo? " sabi ni Gab,tsk tsk.. Si Gab talaga

Kumain na kami ni Wea. Pagkatapos ay hinugasan niya na yung mga pinggan. Papayag ba talaga siyang maging katulong? Tsk, tatadtarin lang siya ng utos ni Gab

"Oy! Shin, saan matutulog yan?" tanong ni Gab

"Malamang! Sa Guest Room! Isip isip din Gab noh?" sabi ko

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Where stories live. Discover now