Chapter 24

102 12 2
                                    

Chapter 24 is written in fictitious manner. This is ONLY created by my imagination.

Chapter 24: The Angel's Side
"I know, it will always be her."

Wea's Day: Still 26. This is a continuation of Ethel's Birthday Party.

Gabriel Ethan Lim's POV

Hinila ko si Paula palabas. Ipinunta ko siya sa parking lot at pinapasok sa sasakyan ko. Pumasok din ako sa sasakyan at inistart ko ang kotse. Di pa rin siya nagsasalita, ang tanging naririnig ko lang mula sa kanya ay ang paghikbi niya.

"Iuuwi na kita sa bahay niyo", sabi ko. "You shouldn't be there Paula. May sakit ka, hindi ka pwedeng basta basta lang pumunta sa gano'ng lugar"

Di siya sumagot. Ifinocus ko lang ang sarili ko sa pagdadrive. Mga ilang sandali pa ay sumagot siya.

"Gusto kitang makita, Gab", aniya. Tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa bintana. May tumutulo pa ring luha galing sa mga mata niya.

"Hindi. Kung gusto mo akong makita, you should've text me. Hindi 'yong pinapagod mo 'yong sarili mo. Help yourself Paula. Help yourself to recover from that damn disease.", sabi ko sa kanya habang nakatingin sa daan.

"No. Hindi ka pupunta. Hindi ka pupunta kahit ilang text o tawag pa ang gawin ko. Alam mo kung bakit? Kasi nandiyan 'yong Wea. Nandiyan siya..", sabi niya habang tinuturo ang parteng puso ko. Mas lalo pa siyang umiyak, parang hirap siyang bigkasin ang mga susunod na linya. "..at hindi ako. Hindi na ako, diba? Wala na ba talaga?"

Pinark ko ang kotse ko sa tabi ng bahay nila. Niyakap ko siya, ramdam na ramdam kong nasasaktan siya dahil sa akin. Shit.

"Ssshhh", niyakap ko lang siya habang iyak siya ng iyak. Pinapatahan ko siya pero halos mga kalahating oras pa bago siya tumigil. Nang tumigil siya ay tinignan ko ang mukha niya. She's sleeping. Yakap ko pa rin siya, I missed her so much. I kissed her forehead. Kailangang kailangan niya ako ngayon.

"I'm sorry", bulong ko.

Kinarga ko naman siya papunta sa loob ng bahay nila. Sinalubong siya ni Tita and Tito ng nag-aalala.

"Anong nangyari?", tanong ni Tita.

"I just saw her in a bar", sabi ko.

"Ha? Uminom ba?", aniya ni Tito.

"No Tito.", matipid kong sabi. Idinala ko na siya sa kwarto niya. Tinignan ko ang paligid, gano'n pa rin. Napatingin ako sa side table niya, nando'n 'yong mga pictures namin together. Noong ayos pa ang lahat. Noong wala pa siyang sakit.

Ngayon naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na ang lahat. Kung bakit niya ako iniwan at kung bakit niya ako pinagpromise na wag siyang iwan. I broke that promise. Ngayon ay nagsisisi ako.

Why I'm so heartless?

Nagstay lang ako sa tabi niya habang tinitignan ko siyang matulog. She's so beautiful inside and out. She didn't deserve a guy like me. Wala akong kwenta. She deserve someone better.

"I'm sorry for everything. I ignored you and didn't listen to you because I thought hindi na ako mahalaga para sa'yo. Nagkamali ako, at alam kong magkakamali pa rin ako. I think this time, I need to let you go", bulong ko habang tinitignan ang maamo niyang mukha habang natutulog. Hinalikan ko siya sa noo. Aalis na ako. Chineck ko 'yong wrist watch ko at magte-10pm na pala. I need to go back sa bar.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Where stories live. Discover now