*SPECIAL CHAPTER #2

246 25 7
                                    

Special Chapter #2:

Justin Timothy's Revenge

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N : Hello ate! Dedicated po sayo. Thank you po ulit dun sa Book Cover ... ^_^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Justin Timothy's POV

Sabay na kaming pumunta ni Lance sa may Parking Lot ng School. Nandoon kasi nakapark yung motor niya at yung Car ko. May Student License naman kami kaya nakakapag-drive na kami. Si Gab naman ay iniwan na namin sa may Gym, binalikan niya pa kasi yung Wea ba yun?

Habang papunta kami sa Parking Lot, napansin kong parang may sumusunod sa amin. Lumingon naman ako at nakita ko nanaman yung babaeng yun. Yung nakakainis na si Xena, psh. Kasama niyang naglalakad yung babaeng nagwawala sa room kanina yung Rin Min Lee ba yun?

Lee? Magka-ano ano kaya sila?

Halata namang magkamag-anak tong dalawang to, parehas silang Amazona ehh -_-

"Anong tinitingin tingin mo?" tanong ni Xena habang ngumunguya ng bubble gum at nakalagay ang kamay sa bulsa ng palda niya habang naglalakad. Para siyang tomboy na ewan. Ibang iba siya sa mga chix ko, di na nga kagandahan ang sungit sungit pa at parang papatayin ako kung tumingin.

"Owwwww. tol, di ka na nakasagot jan!! " pang-aasar ni Lance.

"Tumahimik ka nga!" Lumapit naman ako kay Xena. Magkaharap na kami ngayon.

"Hoy! Ikaw babae!" sabi ko sabay turo ko sa mukha niya. Tinignan niya lang yung daliri ko na nakaturo sa kanya sabay...

lakad na ulit. I-iniwan niya akong nakatayo at nakaturo pa din dito? What the heck? Nagmukha nanaman akong tanga. Sh*t

Bumalik lang ako sa sarili ko nung nakita ko si Lance sa harapan ko na tawa ng tawa.Bwisit.

***

Xena Zyrene's POV

"Pinsan, si Justin yun diba?"tanong ni Rin.

"Oo, wag mong pansinin yan,papansin yan ehh."

"Haha, Eh pinsan, diba crush mo yan?" tanong ulit ni Rin. Kaya napatingin agad ako sa kanya.

"Dati yun! Ang sama ng ugali niyang pangit na yan!" nakaka-asar ang ugali eh, gwapo pa naman sana. Nilingon ko naman si Justin at nakita kong binabatukan niya yung kaibigan niya,psh. Halata sa mukha niya na naasar na siya.

Madali lang palang asarin tong lalaking to ehh...

***

Justin Timothy's POV

"Anong tinatawa-tawa mo jan?" g*gong Lance to. Tawa ng tawa.

"Ehh.. Wahahahah T-tol !! Pffft,haha ang epic ng- ng itsura mo eh,whahahahah"

"G*go !!" sigaw ko sabay batok kay Lance.

"Aray! pfffft wahahahahah. Nakahanap ka na ng katapat mo tol !" sabi ni Lance habang tumatakbo palayo. Pang-asar talaga yung lokong yun.

Nilingon ko naman si Xena. Malapit na silang makalabas sa gate. Hmm, ano kaya kung sundan ko tong babaeng 'to? Hahahah, tama! Pagti-tripan ko na lang siya. Ganti ko na din sa kanya to! Haha

Bilis bilis naman akong sumakay sa kotse ko at dahan dahang pinaandar ito hanggang sa gate. Nakita ko si Xena na nakatayo, naghihintay siguro ng jeep. Araw araw ba siyang sumasakay don? Hahahah

Tinabi ko muna yung kotse ko. Mga ilang minuto din ang nakalipas, may dumaan na ding jeep kaya sumakay na siya. Pinauna ko muna yung jeep bago ko pinaandar yung car ko.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Where stories live. Discover now