Chapter 3

363 45 4
                                    

Chapter 3: Annoying

Gabriel Ethan's POV

It's 5:00 in the morning when I woke up. Annoying alarm clock. Isinet ko ng 6:00 pero nag-alarm ng 5:00,tss. Tulala lang ako sa kwarto ko, hinihintay ang 6:00. Hindi na ako makatulog pero tinatamad pa akong bumangon.

I stare blankly at the ceiling. Naalala ko nanaman yung babae, bakit niya ako sinusundan? Paano siya nakapasok sa School? Baka naman tauhan ni Dad, pinapasundan nanaman ako,tss.

5:30. I walked out of my room. Nakita ko kaagad si Shin na nakabihis na. Teka, 7:00 pa ang pasok ah? Bakit ang aga nito?

"It's better early than late", he said. Tumayo siya at kinuha ang bag niya sa sofa. Habang nakasabit ang bag sa kaliwang balikat, naglakad siya papunta sa may pinto. Tinignan ko lang siya hanggang sa sumara ang pinto. Hindi ko alam kung bakit kami naging magbestfriend, kahit na magkaibang-magkaiba ang ugali namin. I know that it's not easy na makisama sa mga taong kaiba mo ng ugali, pero si Shin, iba talaga siya. Parang napag-mamatch niya ang mga bagay sa paligid niya kahit malaki ang pagkakaiba nito.

Nabalik ako sa sarili ko nang bumukas ang pinto. Sumilip si Shin mula doon at ngumisi habang umiiling.

"Someone's waiting for you, Gab!", he shouted pagkatapos ay sinara niya na ulit yung pinto. Sino naman kaya yon? Kung sino man yang naghihintay sa'kin, matuto siyang maghintay dahil milyon ang halaga ng bawat oras ko. Kakain na lang muna ako.

--

Kinuha ko yung bagpack ko sa sofa at isinabit ito sa kaliwang balikat ko. Naglakad ako papunta sa may pinto. Pagbukas ko, nasira agad ang araw ko.

"Good Morning Ethan!",she said with a big smile. Napablangko na lang ang mukha ko ng makita ko siya.

"Walang good sa morning kung ikaw agad ang makikita ko.",naglakad ako at nilagpasan ko siya. Hindi pa ako masyadong nakakalayo ng humarang siya sa dinadaanan ko. What the hell is her problem?

"Get out of my way",imbis na tumabi siya,umiling lang siya habang nakatingin sa akin. Tss, ano pa nga bang maasahan ko sa isang 'to. Ako na mismo ang umiwas ng daan para makadaan ako pero humarang pa rin siya sa dadaanan ko.

"Sh*t. Miss, paulit-ulit na lang ba? Ano ba kasing problema mo? Ano bang kailangan mo sa akin? Wag mo na akong sundan at wag ka ng magpapakita sa akin dahil wala akong paki-alam at wala akong planong tulungan ka sa sinasabi mong misyon mo. Look, malelate na ako kaya kung ayaw mong mamatay, tumabi ka sa dadaanan ko", yumuko lang siya at hindi na sumagot. Matatakot din pala eh. Maangas akong naglakad at mukhang hindi na nga niya ako sinusundan. Lumingon ako para tignan siya, at sakto namang wala na nga talaga siya. Nagtuloy-tuloy ako sa paglakad pero napahinto ako at medyo nawalan ng balanse ng may sumakay sa likod ko. F*ck, piggyback ride is not cool. Sinamaan ko ng tingin yung babae.

"Kahit ayaw mo, susundan pa din kita. Kahit takasan mo pa ako, mahahanap at mahahanap pa din kita", bulong niya sa kanang tenga ko. Creepy. "Because I am your Guardian Angel"

"No! Angels doesn't exist. They're just an imagination of humans!",I shouted at her. Tinanggal ko ang pagkakakapit niya sa akin kaya napatumba siya sa kalsada.

"Ouch!", nilingon ko siya habang hawak niya ang kanang braso niya. Umiling na lang ako at tumakbo papalayo. Nang matanaw ko ang gate ng school, lumingon muna ako bago pumasok. Mukhang hindi niya naman ako nasundan. I thought she's just crazy. But now, she's also creepy.

--

"Tol, ano ng plano mo kay Miss Campus?", tanong ni Justin habang nakatingin kay Leriane na nag-papratice para sa cheering squad ng school. Umiling lang ako bilang sagot. Ano nga bang plano ko? Actually, wala naman talaga akong plano dahil hindi ko kailangang sayangin ang oras ko para sa Leriane na 'yon. Pero interesting at mukhang makukuha ko ang atensyon ni Dad kapag nakarating ito sa'kanya kaya kailangan kong gumawa ng isang maayos na plano kapag hindi na ako tinatamad. Habang naka-upo sa bleachers, hinanap ko sa bag ang Ipod ko, ngayon ko lang naalala na iniwan ko pala 'yon sa locker ko. Bumaba ako at naglakad palabas ng gym pero hindi pa ako nakakalayo ng may tumawag sa akin.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Where stories live. Discover now