Chapter 6

274 31 4
                                    

Chapter 6: Spongebob?

Gabriel Ethan's POV

Maaga akong nagising ngayon dahil bibili ako ng mga grocery at mga kailangan dito sa bahay. Last week kasi, si Shin ang nagpunta sa mall para mag-grocery. Habang palabas ako ng kwarto ko, napansin kong nanonood si Wea ng Tv at talagang tuwang tuwa pa siya sa pinapanood niya -_- tss, yung cartoon character na kulay dilaw na panglinis ng plato. Ano na nga bang pangalan nun?

"Hoy! Baliw na babae. Magbihis ka nga at samahan mo ako sa mall ngayon mag-grocery. Bilisan mo" haha, siya ang gagawin kong taga-buhat ng mga pinamili ko.

"Ehh pero Ethan, nanonood pa ako ehh. Ng Spongebob " sabi niya sabay kanta nung kanta dun sa Spongebob na yun.

" ♪ Spongebob Squarepants! Spongebob squarepants, Spongeboooooob squarepaaaaants~ ♪♪ " sabi ni Wea. Baliw talaga -_-

"Wala akong paki-alam jan sa kulay dilaw na cartoon character na yan! Bilisan mo!! at sasamahan mo ako mag-grocery " pumunta naman agad si Wea sa kwarto niya, nice, natakot ko nanaman yata. *smirk*

*vibrate* *vibrate*

Tinignan ko naman yung phone ko.. tss

Dad Calling...

Me: Hello,Dad?

D: Gab, pupunta ka bang mall ngayon?

M: Yes,dad. Why?

D: Ok, papapuntahin ko na lang diyan yung driver at si Yaya Ellen, diyan na magtatrabaho si Ellen.

M: WHAT? Ehh-

*toot* *toot*

Tss, binabaan nanaman ako ng matandang yun. Si yaya Ellen yung yaya ko mula bata. Ang kulit nung matandang yun ehh at isa ring baliw. Magiging dalawa na pala ang baliw dito sa bahay na 'to.

Speaking of baliw. -.-

"Ethan! Tara na!" sabi ni Wea

T-teka. Parang alam ko kung kaninong damit yun ah?

"San mo nakuha yang damit na yan?" tanong ko.

"Ahh. Eto? Sa dad mo. Sabi niya damit daw to ng ate mo." Oo damit nga ni Ate Riel. I think, yung mga damit yun na di na ginagamit ni ate. Nasa America na ngayon si Ate,doon siya nag-aral ng College samantalang ako, dito lang sa Pinas,sa St. Claire Academy. Pero ok na rin,ayaw ko din namang mag-aral sa States.

"Gabriellana Ethel, name ng ate mo Ethan diba?"

"O-oo, pano mo nalaman?"

"Tapos kamukha niya yung mama mo diba?"

"Oo na, oo na. Ikaw ng madaming alam. " lumakad naman ako palabas ng bahay at sakto namang paglabas ko , nandoon na yung driver. Lumabas naman sa car si yaya ellen.

"Gabby, naku ang gwapo kong alaga" sabi niya sabay yakap sa akin. Alaga? Aso ako? -.-

" di na po ako makahinga -__-" sabi ko. Bumitaw naman siya sa pagkakayakap.

"Ahh,hehe. Sorry. Nga pala, sino tong magandang babae sa likod mo Gabby, nobya mo ba?"

"Dont call me Gabby,yaya. Hindi na po ako bata and hindi ko girlfriend yang baliw na yan. Katulong namin yan" sabi ko.

"Ahh. Ang ganda mo naman hija"sabi ni yaya ellen. At ayun di na tumigil kakasalita yung si yaya ellen at Wea.

"Hoy! Wea, tama na nga yan. Ang ingay niyo. Bilisan mo na,pupunta pa tayong Mall! Bilis!!!" sumakay na ako sa Car sumunod naman si Wea. Tumabi naman siya sa akin. Tss.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Where stories live. Discover now