Chapter 17

174 20 4
                                    

(Note: See the picture of Paula & Ethan on the multimedia para ma-imagine n'yo sila. Hehehe. Enjoy reading~ )
---

Chapter 17: Scars Of Yesterday

"Time can erase the pain but not the scars of yesterday"

Gabriel Ethan's POV

Siya yung panibagong babaeng dumating sa akin matapos kunin sa akin ang pinakamahalagang babae sa buhay ko. Sa una, pilit ko siyang pinapaalis at inilalayo ang sarili ko sa kanya pero lumipas din yung panahon na unti-unti kong natanggap ang papel niya sa buhay ko. Siya ang nagturo sa akin kung pa'no ipagpatuloy ang buhay ng wala ang mommy ko. Siya ang kasama ko sa tuwing pakiramdam ko galit ang buong mundo sa akin. Siya ang tumutulong sa akin sa tuwing napapasama ang kalagayan ko dahil sa mga kalokohan ko. She's the angel of my life. An angel that gives light to my dark world.

Naging magkaibigan kami. I do my best to be a good friend to her. Ibang-iba ang ipinapakita kong ugali sa kanya, ewan ko ba pero di ko magawang magpaka-tarantado sa harap niya. Hanggang sa isang araw, gumising na lang ako na pakiramdam ko, hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Alam kong ang baduy, pero yun talaga ang nararamdaman ko. Pinilit kong magbago para magustuhan niya rin ako. 'Yong mga gawain kong masama at alam kong makakapagpa-turn off ay iniwasan ko. Binawasan ko ang paggamit ko ng masasamang salita, iniwasan kong mambully, nagpakabait ako sa mga tao sa paligid ko kahit labag sa loob ko, lagi kong sinusunod ang mga utos ni Dad kahit mas nagmumukha pa akong katulong kaysa sa totoong katulong, nirespeto ko ang mga teacher ko kahit asar na asar ako sa kanila at halos araw-araw pa nga akong nakangiti eh, kahit yata mga aso sa kalye na nadadaanan ko nginingitian ko.

"Lim! Mas bagay talaga sa'yo ang nakangiti. Wag ka ng sisimangot ha? Mukha kang pusang nalugi kapag nakasimangot ka eh"

Halos ilang buwan din siguro akong nagmukhang tangang ngiti ng ngiti. Nawala rin naman agad ang mga ngiting 'yon. Sa isang iglap, napalitan ang mga ngiting 'yon.

Nasa Garelus Garden kami ng School no'n, umupo kami sa isa sa mga bench. Nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ni Paula.

"Lim, kahit anong mangyari ipromise mo sa'king hindi mo ako iiwan ha? Wag kang mawawala sa'kin, wag mo 'kong iiwan. Please promise me..", humiwalay siya sa pagkaka-yakap at hinawakan ang kamay ko. Ano bang pinagsasabi niya? Hinding-hindi ko nga siya iiwan. Paano ko siya iiwan eh siya nga yung babaeng mahal ko? Kahit hindi pa kami, hinding-hindi ko siya iiwan. "that you'll wait for me",

"Ano bang pinagsasabi mo? Promise, hindi kita iiwan. I'll wait for you hanggang sa ready ka ng sagutin ako", pagkatapos nung araw na 'yon, hindi ko na siya nakita. Hindi na siya pumapasok sa School, akala ko nagkasakit lang kaya nag-absent. Halos ilang araw din akong nagmukhang tanga dahil sa kakahanap sa kanya. Hanggang sa isang araw, pumunta sila Shin, Justin at Lance sa bahay..

"Gab, pinapaabot sa'yo ni Paula", sabi ni Lance habang inaabot sa'kin yung isang maliit na envelope.

Lim, this is not a goodbye. Please don't forget your promise. – Paula

Napataas ang kilay ko sa nabasa ko. Ano 'to? Tinignan ko sila Justin, nakatingin lang sila sa'kin.

"Where the hell is Paula?"sigaw ko. Lumapit sa'kin si Justin at hinawakan ang balikat ko.

"Bro, pumunta na siya sa America",hindi magsink-in sa utak ko yung sinabi ni Justin. Mga ilang minuto rin akong tulala bago ako nakapag-isip na baka maabutan ko pa siya sa Airport. Nagmamadali akong pumunta do'n gaya ng mga lalaking napapanood ko sa movie na pipigilang pumunta ng ibang bansa yung taong mahal nila. Well, sa movie, nahahabol at napipigilan pa nila, pero ibang-iba talaga sa totoong buhay. Hindi ko na siya naabutan. Sabi niya wag ko siyang iwan, pero ngayon, siya ang nang-iwan.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Where stories live. Discover now