Chapter 22

51 11 1
                                    

Chapter 22: It's the beginning of the end
"The trouble is, you think you have time"— Buddha

"Hindi pwede."bulong ko. Paano nangyari na nakikita niya ang dalawang 'to? Anghel lamang ang nakakakita sa kapwa anghel. Lalo na at hindi lamang sila isang simpleng Guardian Angel. Si Ashela, na laging naiinis sa'kin dahil sa bagal kong kumilos, siya ang Angel of Time ni Ethan. Si Heleya naman, siya ang Angel of Death. Hindi ko alam kung bakit sila naririto, mayroon pa naman akong 50 days. Ang alam ko lang ay kapag nagpakita na ang Angel Of Time and Death sa isang misyon ng isang Guardian Angel ay nalalapit na ang katapusan ng binabantayan.

"Herald Stone."umiiling na sabi ni Heleya. Napatingin ako sa hawak ni Shin, matingkad itong kumikinang habang nasa palad ni Shin.

"Oh. A stone of signs. Something will happen kaya ikaw Wea, bantayan mo naman ng maayos si Ethan. Guardian Angel ka na lang nga hindi mo pa magawa ng maayos ang trabaho mo",naiinis na sabi ni Ashela. Kung sa mga tao, masama ang Angel Of Death, sa'min ay hindi. Mas madaling mainis ang mga Angel of Time kasi sila ang magbibigay ng oras o go sign kung kailan matatapos ang lahat sa isang tao. Ito ang magbibigay ng sign kung kailangan na nga bang kumilos ni Angel Of Death para sunduin ang isang tao at kung kailangan na nga bang tapusin ng isang Guardian Angel ang kanyang misyon.

"Herald stone? Sign? Anong sign?," naguguluhan kong tanong. Tumingin ako kay Shin pagkatapos ay sa dalawang ito ngunit wala akong makuhang sagot mula sa kanila. Naglakad si Shin papasok sa loob ng Hospital kaya sinundan ko siya. Naglakad ako kasabay niya at pinanood na lamang si Ethan habang pinapasok sa Emergency Room.

Ilang minutes lang after niyang ipasok sa loob ay may lumabas na Doctor.

"I'm sorry pero ang chance ng patient na mabuhay is 50/50. Kanina, habang nasa ambulance siya, he is at the death's door because the drug that is injected in his body is a succinylcholine. It's a neuromuscular paralytic drug. It causes all the muscles in the body to be paralyzed including those that is used for breathing. Actually, a minute after that drug is injected in the body, it immediately stops the breathing. Dapat kanina pa siya patay, pero lumalaban siya. Itong ang unang case na nakita kong nakasurvive ang isang tao sa ganoong klase ng gamot. I can say that it is a miracle kasi walang nabubuhay after maturukan ng gamot na yon."

Napatingin ako kay Shin. Pareho kaming nabigla sa nalaman namin. Naluha ako ng hindi ko namamalayan at agad kong pinunasan 'yon. May lumabas ulit na isang Doctor. Since alam na kasi ng Dad ni Ethan ang nangyari, nagpasabi siya na damihan ang Doctor na magse-save sa anak niya. Papunta na rin siya daw siya dito. Lumapit si Shin sa Doctor na lumabas.

"Doc, kamusta po yong patient?", malungkot niya kaming tinignan at kasabay no'n ay ang paglabas ng mga Doctor at Nurse sa Emergency Room. Nanghina ako. Parang may nawala sa pagkatao ko. May lumapit ulit sa aming isa pang Doctor.

"I'm sorry pero hindi na niya kinaya. The drug stops his breathing. Paralyzed na buong katawan niya. All the muscles that control his body and especially his heart stopped. We try to revive him pero again I'm sorry, he's gone."

Pagkatapos sabihin 'yon ng Doctor, automatic na bumagsak ang mga luha ko. Iyak ako ng iyak, hindi ko matanggap. Bakit ang bilis? Hindi pa tapos ang misyon ko. May 50days pa ako para makasama siya, bakit gano'n? Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Shin. Kinapa ko ang kwintas ko sa dibdib ko, baka sakaling maligtas ko si Ethan pero wala. Wala 'yong kwintas ko. Mas lalo akong umiyak kasi wala akong magawa. Nakita kong umiling si Ashela at kasabay no'n ay ang paglakad ng Angel of Death na si Heleya papasok ng Emergency Room.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Where stories live. Discover now