Chapter 26

88 9 1
                                    

Chapter 26: Without You
"Without you, love is nothing but a word"
Wea's Day: 14

Gabriel Ethan's Point of View

"Who the fuck open those curtains?"

Bumangon ako at umupo sa kama ko. I count 1 to 3 and then...

"Ay siya. Ako nagbukas niyan, hijo", sabi ni Yaya Ellen na may hawak pang sandok sa kanang kamay.

I gave her a 'disappointed' look. I though it was Wea.

"Ano bang problema? Isasara ko na lang ba?", tanong niya. Umiling na lang ako at humiga ulit sa kama ko. I stare at my ceiling wondering where the fuck is that girl? Nasanay na nga siguro akong nanggugulo siya sa akin tuwing umaga. Isinara ni Yaya Ellen 'yong pinto ng kwarto ko. Bumangon ulit ako at lumapit sa bintana ng kwarto ko.

I saw Wea sitting on the grass. Tinitignan niya 'yong makulimlim na kalangitan. Why does the heaven shows what she feels?

Napansin ko kay Wea, kapag malungkot o masaya siya, nakikisama ang langit sa kanya. Gano'n ba talaga?

Tumingin din ako sa langit na nagbabadya nang magbuhos ng ulan. At hindi nga ako nagkakamali, bumuhos na ang ulan. Tumingin ako kay Wea, nando'n pa rin siya, nakatingin ng diretso sa langit. Napailing na lang ako sa ginagawa niya.

Binuksan ko 'yong payong at pumunta sa direksyon niya. Pinayungan ko siya at hinila patayo. Basang basa na siya ng ulan.

"Ano bang ginagawa mo?", sigaw ko sa kanya. Kitang kita ko ang mapupulang mata niya. What the fuck? Is she crying?

"Halika na.", hinila ko siya para pumasok na sa loob. Napahinto ako no'ng binawi niya 'yong kamay niya sa akin. Umiling siya at umupo ulit sa inuupuan niya kanina. Inilagay niya ang ulo niya sa tuhod niya. And then here she goes again, crying.

Umupo ako kapantay niya. Inangat niya ang ulo niya na punong puno ng luha. If you just know how pretty you are, even when you're crying.

"Tigilan mo nga yan, Wea.", pinunasan ko 'yong mga luha sa mga mata niya. "Ang pangit mo na nga, mas lalong pangit ka pa kapag umiiyak. Ano bang problema mo?"

Hindi siya sumagot kaya hinila ko nanaman siya patayo. "Do'n ka na umiyak sa loob, okay? Baka tamaan ka ng kidlat"

Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. What the fuck is her problem?

"Wea tigilan— Hoy ano 'tong ginagawa mo?", nagulat ako ng yakapin niya ako.

"Can I hug you just for a minute, please?"

"Minute? Ang tagal naman no'n. 30 seconds. Alam mo bang ang daming gustong mayakap ako? Ang swerte swerte mo kasi pinagbigyan kita."

Mas lalong lumakas ang iyak niya. Ano nanaman mali sa sinabi ko? Inilagay ko ang kamay ko sa likod niya. Can I hug you forever, my angel?

"Wea lagpas 30 seconds na. 'Yong damit ko punong puno na ng sipon at luha mo. What the hell? You're gross.", tinignan ko siya, parang wala siyang naririnig. Tinanggal ko siya sa pagkakayakap sa akin.

"Anong gusto mo?", tanong ko. Umiling lang siya. God, I don't know what to do anymore.

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Naiinis na ako kasi nababasa na rin ako ng ulan. Inihulog ko 'yong payong. What's the use? Pareho naman na rin kaming basa.

My eyes are no-good blind without her

Hinila ko siya palapit sa akin at niyakap ulit.

The way she moves, I never doubt her

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Where stories live. Discover now