Chapter 23

72 13 2
                                    

Chapter 23: His Side
"I chose her"

Gabriel Ethan Lim's POV

Hindi ko maikilos ang katawan ko. Pero ramdam ko pa rin ang paligid ko. Ramdam ko ang hangin at ramdam ko ang pagsakay nila sa akin sa ambulansya. I can still feel everything. I can still hear her voice in my mind. But the saddest thing is, I can't see her. Where is she? I want her here by my side. Her voice starts to fade. I can't hear her anymore. All I can hear is my heavy breathing. All I can feel is the pain in my left chest.

Nagsimulang dumilim ang paligid. Mas madilim. Wala akong makitang ilaw. Lumuhod ako, ayokong patuloy na maglakad sa dilim. Walang nangyayari, gusto kong makakita ng liwanag. Liwanag na magsisilbing ilaw ko sa ganitong kadilim na lugar. All I want is a light. Maybe she's my light. Yes, she light up my world. But now, I can't see her. Walang nagsisilbing liwanag sa madilim kong mundo.

Umupo ako at inalagay ang mukha ko sa mga tuhod ko. I'm scared. Yes, you're right. Ang isang Gabriel Ethan Lim ay takot sa dilim. Why? Kasi lahat ng masamang nangyayari sa buhay ko ay nagpa-flashback. All I can do is to watch that shits that begun to eat my mind, my soul and my everything. Wala akong magawa. Wala.

"Ayaw ko ng ganito", sabi ko sa sarili ko. Ikinuyom ko ang palad ko. Parang sinasakal ang buong katawan ko kapag ganito. Para akong mamamatay ng walang kalaban laban. All I want from Him is a light, pero parang hindi Siya nakikinig. For the first time in a long time, kusang gumalaw ang katawan ko. I bowed my head to pray. To pray to Him.

God all I want is a light. I will accept anything that you'll give to me. I'm sorry for all my mistakes. I know hindi ako karapatdapat na humiling Sayo, pero this time, I want a light.

Wala pa ring nanyayari. Sinimulan kong ikuyom ang dalawang palad ko. I clenched my jaw kasi wala pa ring nangyayari.

Pero sandali lang ay may nakakasilaw na liwanang ang bumalot sa lugar na kung nasaan ako. Ako lang ang naririto. Itinakip ko ang isang palad ko sa mukha ko kasi nakakasilaw. Naging parang isang malaki itong Tv. Nangyayari nanaman ulit. Nakikita ko nanaman ulit. Lahat ng flasback.

Una ay no'ng mga 6 years old ako, bago mamatay si mommy. Nagflashback ito sa kung paano ko pinakailaman ang ginagawa ng mekaniko sa kotse. May isang parang malaking gunting akong nakita na nakalapag sa baba. Pinulot ko ito at sinimulang guntingin ang kung ano ano doon sa may makina. Nasisiyahan ako sa ginawa ko kaso biglang dumating yong mekaniko na nag-aayos ng kotse na habang isa pa lang 'yong napuputol ko. Kasabay niyang naglakad papunta sa sasakyan si mommy na may dalang susi. Nagtago ako sa gilid para hindi nila ako makita.

"Ma'am, okay na po.", sabi ng mekaniko. Di niya napansin 'yong pinutol ko. Sumakay si mommy don sa kotse at inistart niya 'yong sasakyan. Binuksan naman ng mga guard 'yong gate.

Wala akong kamuwang-muwang noon na ako pala ang may kasalanan kung bakit namatay si mommy. It turns out na 'yong nagunting ko is 'yong break ng sasakyan.

Tumulo ang mga luha ko. Mga luha na pinigilan ko 12 years na ang nakakaraan. Napatigil ako sa pag-iyak ng may tumawag sa akin.

"Ethan", lumingon ako at nagulat ng makita ko si Mommy. Oo, si mommy pero ang batang si Mommy. Ang mommy ko noong 18 to 20 years old pa lang siya. Sobrang liwanag, mas maliwanag pa sa kaninang liwanag. Lunapit siya sa akin at saka umupo sa tapat ko. Pinunasan niya ang mga luhang natira sa pisngi ko. Gustong gusto ko siya yakapin pero di ko nanaman maigalaw ang katawan ko.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon