Chapter 18

190 18 7
                                    

Chapter 18: Her Side

"There's always a reason why people say goodbye"

Paula Peterson's POV

It has been a year since I left him. Alam kong masakit para sa kanya 'yon, pero lalong-lalo na sa 'kin. Pumunta ako ng America para mas matagal ko pa siyang makasama. Ayaw ko siyang iwan, hindi ko kaya. Pero ayaw ko ring makita niyang nahihirapan at nasasaktan ako.

Alam ko kung ga'no kasakit para sa kanya ang makita niyang nasasaktan ang mga taong importante sa kanya dahil minsan ko ng nakita iyon. Kitang-kita ko kung pa'no niya naranasan ang masaktan sa napaka-mura niyang edad. At the age of 6, her mother left him. Kitang-kita ko kung pa'no dumilim ang mundo niya no'n. Ayaw ko na ulit makita yung mukha niyang sobrang nasasaktan. Ayoko na.

"Who are you? Pa'no ka nakapasok sa kwarto ko?", sigaw ni Gabriel. Imbis na sagutin yung tanong niya, inabot ko sa kanya yung panyo ko.

"Hoy bata! I don't need that. I don't accept dirty things from a stranger. Get out of my room!", sagot niya sa'kin noon, pagkatapos ay binato niya pabalik sa akin yung panyo. Umupo ako sa tabi niya pero umusog siya at saka ako sinamaan ng tingin.

"Lim–",

"How did you know my surname?"

"Kilala kasi ng daddy ko ang daddy mo, kaya alam ko", sagot ko sa kanya no'n. "Hoy bata, hindi ka ba aalis dito sa kwarto mo? Ang dilim dilim oh, baka may mumu", sabi ko. Pilit akong gumagawa ng paraan no'n para lumabas siya ng kwarto niya. Mula raw kasi ng mawala ang mommy niya, hindi raw ito lumalabas ng kwarto. Nalaman ko 'yon nung narinig kong nag-uusap si Dad at si Mr. Lim kaya kahit di ko kilala yung batang si Ethan noon, gumawa ako ng paraan para matulungan siya dahil na rin sa awa ko.

"I will rather choose to see ghost. I will choose to see my mom's ghost instead of looking her lying in that damn box.", sabi niya no'n. Tumingin siya sa akin saka siya tumayo. Pagkatapos ay nakita ko na lang na tinutulak ako ni Gabriel palabas ng kwarto niya. "So you better go out of this room! You ugly stranger!"

"Hoy bata! Anong ugly? Ang ganda ko kaya. Paula pala–", sabi ko pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay sinara na niya ang pinto ng kwarto niya. "ang pangalan ko"

Pagkatapos no'n ay umuwi na kami. Hanggang sa bahay, nag-iisip ako ng paraan para tulungan siya. Naawa ako sa kanya dahil sa murang edad ay nawala na agad sa kanya ang mommy niya. Pinilit ko pa si Dad na pumunta ulit sa bahay nila para matulungan siya. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga siya mapilit lumabas ng kwarto niya, lagi niya lang akong pinagtutulakan palabas.

"Hayaan mo na lang siya Paula. Hinding-hindi mo mapipilit yan, baka mas masaktan ka lang", sabi nung Yaya nila habang tinutulungan akong tumayo mula sa pagkakatulak ni Ethan.

"Hindi ko po siya pwedeng pabayaan.", sabi ko do'n sa Yaya ni Gabriel. Wala ng ibang tutulong sa kanya kundi ako. Lahat ng tao ay sumusuko na sa kanya. Kahit si Mr. Lim ay di makuhang palabasin si Gabriel sa kwarto niya. Nando'n lamang siya buong linggo sa madilim na sulok ng kwarto niya.

"I will light up your world, again", bulong ko sa sarili ko. Hindi ko alam sa mga oras na 'yon kung bakit gustong-gusto ko siyang tulungan. Inisip ko na lang na dahil iyon sa awa. Hanggang sa dumating ang libing ng mommy niya ay ayaw niya pa ring umalis sa kwarto niya. Sinabi ko sa kanyang 'yon na ang huling beses na makikita niya ang mommy niya dito sa mundo kaya mahalaga iyon pero nagalit lang siya sa akin. Lalabas na sana ako ng kwartong 'yon pero nagulat ako ng tumayo siya at tumakbo palabas ng kwarto. Sumama rin siya sa libing ng mommy niya pero hindi niya nagawang lumapit at tignan ito. Nakatayo lang siya sa malayo kasama ang Yaya niya. Wala man lang akong nakitang luha mula sa kanya no'n, diretso lang siyang nakatingin habang ibinabaon sa lupa ang mommy niya. Kapag tinignan mo siya ay parang wala lang sa kanya, pero kung papansinin mo talaga ng maigi ay makikita mo ang sakit na dala-dala niya. We're six years old at that time when I promised to my self that I'll help him.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن