Chapter 7

264 27 5
                                    

Chapter 7 : That Girl

Gabriel Ethan's POV

Maaga akong pumasok ngayon, wala lang,trip ko lang.

Chismis nanaman pala sa St. Claire Academy yung nanyari nung Friday. Tss, habang naglalakad ako, nagbubulungan yung mga estudyante. *smirk* Wala akong paki-alam, ang saya nga ehh.

At saka, sanay na ako, matagal na akong gumagawa nung mga ganong pangti-trip. Malas lang ni Lerriane ngayon dahil siya ang napagtripan ko..

"Kuya Gabriel" may tumawag naman sa akin kaya lumingon ako.

3rd year student? Ano namang kayang kailangan nito? Lumapit naman sila. Yeah, "Sila" ,dalawang babae.

"Kuya Gabriel, pwede po bang pakibigay to kay Shin?" sabi nung isang babae na nakaheadband sabay abot ng papel.

"Hindi ako utusan. Kung gusto niyo, kayo na lang ang magbigay." sabi ko. Naglakad na ulit ako, pero humarang naman silang dalawa sa dadaanan ko.

"Sige na kuya ,pleaaaaase?" sabi naman nung isa. Kailan pa ako naging utusan? Psh.

"HOOOOOYYY!!!" bigla namang may sumigaw sa likod kaya napalingon ako pati yung dalawang babae. May dala dalang walis yung babaeng tumatakbo na parang gagamitin yatang panghampas dito sa dalawang babae.

"kyaaaaaaaaaaah!!! Takboooo!!!" sabi nung nakaheadband sabay higit sa kamay nung kasama niya.

Tss, nahawaan din ba sila ni Wea ng kabaliwan?

Ang daming baliw sa mundo...

Sa room...

Absent naman si Sir Gomez, siya kasi ang teacher namin sa first subject. Nag-iwan na lang siya ng activity na napaka-hirap. Tss, ayoko talaga ng math, nakakag*go ehh.

Habang nagsasagot ako ng activity, biglang may kumatok sa pinto and since ako ang pinakamalapit sa pinto, ako ang sumilip kung sino yung kumatok. Paglabas ko, nakita ko nanaman yung dalawang babaeng 3rd year student na humarang sa akin kanina.

"Psst! Kuya .. pakibigay na kasi to kay Shin, please?" pabulong na sabi nung nakaheadband. Tinignan ko naman yung hawak niya, yung papel nanaman yata kanina yun.

"Uulitin ko! Hindi ako utusan." sabi ko sabay talikod na at pupunta na ako sa upuan ko, pero hinigit nung isang babae yung kamay ko.

"Uulitin ko!" sabi niya! Aba at- ginaya pa ang sinabi ko -_- "pakibigay naman po kay Shin!! Please?" sabi nung babae.

"Gusto niyong ibigay kay Shin yan?"

"Oo! Oo!" sabay nilang sabi..

Hinigit ko naman yung kamay nilang dalawa at hinila sila sa room namin. Pinapwesto ko sila sa harap malapit sa board.

"Oh!! Ayan na! Ibigay niyo na." sabi ko. Halata naman sa mukha nila na hiyang hiya na sila. Bumalik naman ako sa upuan ko at pinanood na lang yung dalawang babae dun habang tinitignan sila ng mga classmate ko.. wahahaha

"Ahh-hehe. H-Hello po! " sabi nung nakaheadband sabay tulak sa kasama niya paharap. "sabihin mo na!"

"Luh? Bakit ako?" sabi nung isa.

"Psh! Akin na nga yan!" sabi nung nakaheadband sabay kuha nung papel at nilapag iyon sa table ni Shin. Bigla namang may dumating sa pinto kaya nagsitinginan yung mga classmate ko doon.

"HOY! Dalawang bruha!!!" sigaw nung babae kanina na may hawak na walis. Napatingin naman yung babae kay Shin at gulat na tinignan yung papel.

****

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Where stories live. Discover now