Chapter 20

165 15 9
                                    

Chapter 20: Bad to be back

Wea Angelic's POV

"Don't leave me, please."

Napatingin ako sa kanya. Tulog pa rin siya. Dahan-dahang lumuwag 'yong kapit niya sa kamay ko hanggang sa mabitawan niya ito. Nahahawakan niya ako, ibig sabihin ay nakabalik na nga talaga ako. Umupo na lang ako ulit doon sa upuan at hinintay ko na lang magising si Ethan. Inabot na ako ng alas-dose ng tanghali doon pero hindi pa rin siya nagigising.

Ifinocus ko na lang ang atensyon ko sa kwarto niya. Tinignan ko ang paligid, ang linis. Napanatili yatang malinis ni Yaya Ellen ang bahay habang wala ako. Siguradong nahirapan mag-linis mag-isa 'yon. Oo nga pala, si Yaya Ellen- hindi ko pa siya nakikita ulit simula nang umalis ako. Siguro naman nakikita niya na ako?

Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto ni Ethan. Paglabas ko, nakita ko kaagad si Yaya Ellen na naglilinis sa Sala. Napatingin siya sa akin na parang gulat na gulat. Agad niyang binitawan yung walis tambo at tumakbo papalapit sa akin.

"Jusko kang bata ka! Sa'n ka ba galing?", nag-aalalang tanong niya habang hawak-hawak ang magkabilang braso ko. Ngumiti ako sa kanya at saka ko siya niyakap. Parang feeling ko, nanay ko na rin siya. Para siyang nanay na nag-aalala sa anak. Naawa nga ako rito kay Yaya Ellen eh, wala siyang anak. Tumanda siyang dalaga at itinuon na lang ang sarili sa pag-aalaga at pagsisilbi sa pamilya ni Ethan. Humiwalay ako sa yakap at saka ko siya tinignan.

"Ah. Yaya Ellen- sa ano po. Basta, ang mahalaga nandito na ako diba?", tumango naman siya habang natatawa. "May kasama na ulit kayong maglilinis dito sa buong bahay!"

"Nako. Oo nga, buti naman", natatawang sabi niya. Bumalik siya do'n sa nililinisan niya. Maya-maya lang din ay tinawag niya na kami para kumain. Tulog pa rin si Ethan kaya si Shin lang ang kasabay kong kumakain. Si Yaya Ellen naman ay busog pa kaya mauna na raw kami. Tinignan ko si Shin na kanina pa nakatingin sa akin. Hindi pa siya sumasandok ng kanin kaya nauna na ako. Habang naglalagay ako ng kanin sa plato ko ay tinitignan ko siya mula sa gilid ng mata ko. Naiilang akong tumingin sa kanya dahil kanina pa siya nakatingin sa akin.

"Shin oh", inabot ko sa yung kanin ng hindi tumitingin sa kanya. Kinuha ko naman yung Menudo at naglagay ako no'n sa plato ko. Tumingin ako kay Shin at salamat namang hindi na siya nakatingin sa akin. Siguro ay dahil busy siyang kumuha ng ulam niya. Pagkatapos niyang magsandok ay kumain na rin siya pero nakatingin ulit siya sa akin habang kumakain. Gusto kong ilagay yung mukha ko sa kaldero dahil nahihiya ako sa kanya. Bakit ba ang weird ni Shin ngayon? Pero always naman siyang weird eh.

Kumain na lang ako ng kumain. Hindi ko na lang siya pinansin at ifinocus ang sarili ko sa pagkain. Inabot ko yung baso ko sa gilid para uminom ng tubig.

"Diba sabi mo Angel ka? Ang mga Guardian Angel ba nag-exist na dati bilang tao bago pa sila maging Anghel?", napa-ubo ako sa sinabi niya. Ibinaba ko yung baso sa lamesa at saka ko tinignan si Shin. Seryosong-seryoso siyang nakatingin sa akin. Ano bang problema niya?

"H-ha? Hindi ko alam. Hindi namin nakikita ang itsura namin kapag anghel kami. Maaring itong ginagamit kong anyo ngayon ay hindi katulad ng itsura ko kapag anghel ako", sabi ko. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin at para bang naghihintay ng susunod kong sasabihin. "Maaring binigay lang sa akin ito pansamantala kaya may posibilidad na nag-exist na itong itsura o katawang ito dati"

Tumango lang siya at pagkatapos mo'n ay nakahinga na ako ng maluwag dahil ifinocus niya na ang sarili niya sa pagkain. Kumain na lang ulit ako pero naisip ko nanaman kung bakit niya kaya tinatanong kaya..

"Bakit mo naman natanong, Shin?"

"Ah wala", sabi niya. Ngumiti siya at kumain ulit pero hindi ko alam kung ako lang ba 'to o halata talaga sa mukha niya na may dahilan kung ba't niya tinanong ang tungkol doon. Kinalimutan ko na lang 'yon at kumain na lang ulit hanggang sa matapos ako. Halos sabay kaming natapos ni Shin kaya tumayo ako para iligpit ang mga pinagkainan. Tinulungan niya akong pagpatong-patungin yung mga pinggan.

She's My Guardian Angel (ON-GOING)Where stories live. Discover now