Bawat isang tao’y may pinapasang krus,
Puno ng kalbaryo at hindi maubos,
Munting pag-asa’y unti-unting naupos,
Balakid ng buhay parang di natatapos.
Sumuko na’t di na kaya pang pasanin,
Bigat ng dagok na sumakal sa atin,
Tatakas na lang at mabuting piliin,
Na sariling buhay nakuhang bawiin.
Huwag sa pagdurusa ay magpakulong
Pagkat ito’y nagsisilbi lamang hamon.
Huwag sanang makalimot na bumangon,
Sapagkat darating pa rin ang pag-ahon.
Pagpipinitensya ay di kasagutan,
Para mapatawad ang mga kasalanan,
Pagbabago sa sarili ang kailangan,
Para marating itong Kalangitan.
BINABASA MO ANG
Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing Makata
PoetryMga katagang pinagbuklod ng kaisipang mapang-alipin. Mga taludturang nililok ng mga karanasan. Mga saknong na hinubog ng pagkakataon. Nagkaroon ng diwa. Nagkaroon ng damdamin. Nagkaroon ng puso. Nakabuo ng isang tula.