Lumaki akong sagana sa mga materyal,
Nasusunod sa luho’t biyaya’y bumubukal,
Hindi na kailangang sa lupa ay magbungkal,
Dahil kapal ng salapi, akin lang dinadangkal.
Mariwasa nga ako kung iyong tatawagin,
Natamasa ang yama’t kasikatang nagniningning,
Makamit ang puwesto ko, iyong pangangarapin,
Pagkat inaakala mo, lahat na’y nasa akin.
Ngunit pawang mga huwad ang iyong nagigisnan,
Dahil tulad mo’y uhaw ako sa pagmamahal,
Hindi ko pa nadama ang ako’y pahalagahan,
At mayroong matawag na totoong ‘magulang’.
Minsan nga’y hiniling kong maging batang lansangan,
Bagama’t gusgusin, natamo naman ang kalayaan,
Inuuod man ang ngiti’y wala namang mapaglagyan,
Kailanma’y di mabibili ng anumang kayamanan.
BINABASA MO ANG
Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing Makata
PoetryMga katagang pinagbuklod ng kaisipang mapang-alipin. Mga taludturang nililok ng mga karanasan. Mga saknong na hinubog ng pagkakataon. Nagkaroon ng diwa. Nagkaroon ng damdamin. Nagkaroon ng puso. Nakabuo ng isang tula.