Maliwanag pa sa sinag ng buwan ang iyong paningin,
Pasulyap-sulyap ka pa, habang nakatago sa dilim,
Nararamdaman mong init, 'di talaga papipigil,
Naghahanap ka lang ng tiyempo,tiyak may bibiktimahin.
Ang masaklap lamang talaga'y napadaan si Nene,
Na noo'y kagagaling lang ng eskwela't ginabi,
Paghakbang nga niya'y 'di mo na mawari,
Lingon dito't lingon doon nilamon ng guni-guni.
Ikaw naman itong hayok, nakahanap ng pagkakataon,
Sunggab kaagad, walang sinayang na panahon,
Kaya itong si Nene, sumigaw man o bumulong,
Walang magagawa, 'pagkat sa'yo na nakakulong.
Bawat pagpumiglas, siya mo namang pagdagan,
Pagsusumigaw niya'y sampal mo ang kalaban,
Mata mo'y tumarak na, aba't yugyog lang,
Ang mga luha ni Nene, hindi na mahuhugasan.
Sa pag-abot mo ng langit, siya namang kalbaryo,
Ng kawawang si Nene, na tuluyan nang sumuko,
Sa mga paghalinghing mo at bawat pagbayo,
Ang kanyang hininga'y unti-unting naglalaho.
Naghumindig mong 'demonyong' dinaig pa ang talim,
Sumusugat, bumibiyak, sa kaluluwang nagdidilim,
Sa sarili niyang dugo, si Nene ay pumailalim,
Ang dala mong kahayupan, hindi na malilihim!
BINABASA MO ANG
Mga Binhi: Antolohiya ng Isang Sawing Makata
PoetryMga katagang pinagbuklod ng kaisipang mapang-alipin. Mga taludturang nililok ng mga karanasan. Mga saknong na hinubog ng pagkakataon. Nagkaroon ng diwa. Nagkaroon ng damdamin. Nagkaroon ng puso. Nakabuo ng isang tula.